Chapter 15
"Pst, Dwight." Kinalbit ko ang balikat nito habang nagmamaneho siya.
He glanced at me. "What?"
Klinaro ko ang lalamunan ko at hindi alam kung paano siya tatanungin. I sighed and chose not to say anything. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang dinadaanan namin.
Ilang saglit lang ay tumingin ulit ako kay Dwight at kinalabit siya. Hindi niya na ako pinansin at nakatingin lang siya sa dinadaanan.
Napanguso ako at muli siyang kinalabit sa braso.
"Huy, Dwight," tawag ko rito.
Natuwa naman ako nung muli siyang sumulyap sa akin. "Ano?"
"May tanong lang ako."
"What is it?" He put his elbow in the window and played his lips with his fingers.
Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi na naman ako nakapagsalita dahil nadistract ako sa ginawa niya. Kahit ang suot lang niya ay white t-shirt and navy blue jeans ay ang lakas pa rin ng dating niya.
"You really look so handsome," wala sa sariling sabi ko.
Nakita kong pumula ang tainga niya kaya napangiti ako. My compliment just made him blushed.
"That's not a question."
Tumagilid ako para humarap sa kaniya. Side view palang ang gwapo na.
"Uh, kanina... 'y-yung sa bahay. Mula saan d-doon 'yung nakita niyo ni Aya?" I asked hesitantly.
"Nung sinampal ka ng daddy mo."
Umayos na ako ng upo at nakahinga ng maluwag. 'Yung huli nalang naman pala iyong nakita nila. Akala ko narinig pa nila 'yung speech ko, e. Kahiya.
Muli akong tumingin sa kaniya nung maalala kong galing nga pala muna siya sa hospital bago pumunta sa amin.
"Ano nga palang nangyari kay Erica?"
"Hayaan mo na 'yon," tinatamad na sagot nito at inirapan ko naman siya.
Kung maka- 'hayaan mo na 'yon' akala mo naman hindi nagmadali kaninang dalhin sa hospital iyong babae. At saka, nagtatanong lang naman ako, e. I'm just curious. Not jealous.
"Ano nga?" pamimilit kong tanong pero hindi niya ako pinansin. "Bilis nga, ano nga!?"
"Fine, sinabi niya rin sa akin kanina sa message niya na magdi-divorce sila ng asawa niya dahil ayaw pang mag-anak," he sighed. "She just lost her unborn child and was still sleeping when I leave her on the hospital."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakunan siya?! Tapos divorce agad!? Sa ibang bansa ba sila kinasal? Wala namang divorce sa Pinas, ah?
My heart felt heavy as I realized that Dwight's face became worried? Or serious? No, it's like guilty? Maybe sad? I don't know. There were too many emotions written on his face since our topic went to Erica. Does he love her still?
Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko habang nakatulalang pinapanood ang halo-halong emosyon sa mukha niya.
I don't know why do I feel like I want to grab Erica's hair now when I am supposed to pity her. Because she really does look pathetic earlier! More pathetic than I was!
Wala siyang make-up at sobrang putla niya at halatang kulang na kulang siya sa tulog kung titignan ang malaki niyang eye bags. She looked depressed. She doesn't even have a strength to talk to Dwight, kahit kitang-kita na sa mga mata nito na gustong-gusto na niyang kausapin ang lalaki.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Teen FictionAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...