Chapter 18

140 11 42
                                    

Chapter 18

Nasa kandungan ako ni Dwight na nakaupo sa driver's seat habang nagsasalo kami ng mainit na halikan. Ang mga kamay niya ay nasa likod ko at naglilikot habang ang akin naman ay nakapalupot sa kanyang batok.

Nilaliman pa ni Dwight ang aming halikan kaya naman mas lalo pa akong umusod sa kaniya. Naramdaman ko na ang pagpasok ng kamay nito sa aking likuran na nagbigay ng kuryente sa buo kong katawan. Unti unting napunta ang malalambot na labi nito sa aking pisngi pababa sa leeg. Marahan akong napadaing sa ginawa niya.

Alam ko kung saan ito patungo. I want to stop now but my body keeps saying no. Gusto ko siyang pigilan.

Pagsisisihan ko ito kung gagawin ko ang bagay na iyon ng ganito kabatang edad. Ayaw kong matulad kay Mommy na maagang nabuntis. Ayaw kong magsisi katulad niya dahil lust lang pala ang naf-feel nila ni Daddy sa isa't isa noon.

Napaungol ako nang biglang marahan na kagatin ni Dwight ang leeg ko. Para namang natauhan si Dwight at itinigil ang ginagawa pagkatapos ay inilabas ang kamay sa damit ko.

Namumula ang pisngi kong sinalubong ang tingin niya.

Aalis na sana ako mula sa pagkakakandog sa kaniya pero hinatak niya ako at sinubsob sa kaniyang leeg.

Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Feeling ko ay mahihimatay na ako lalo na ngayong amoy na amoy ko ang kabanguhan niya at nakayakap siya sa akin.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap niya.

"Just give me five minutes to calm down," bulong niya at mahinang natawa.

"Mangangalay ka." Niyakap kong muli ang kamay ko sa batok niya at pinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko.

Malaki na ang ngiti ko sa labi dahil sa kilig. Mukhang naging mga cobra na ang mga bulate na nasa tiyan ko.

"I will not. Ang gaan mo lang. But seriously, dapat nating bawasan 'yung dalas ng paghahalikan natin."

I agreed to him.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon bukod sa kilig at tuwa. Ang alam ko lang ay ang pakiramdam na ito ay hindi ko pa kailanman naranasan.

"Thank you." bulong ko sa kaniya.

I really mean it. I feel respected.

"For what?"

"Dahil tumigil ka. Kahit gusto kong pigilan ka kanina ay hindi ko magawa. Kung hindi ka tumigil ay baka hayaan ko lang na gawin natin 'yung bagay na 'yon ngayon." Gosh! Ilang linggong kami palang!

Mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin at halos mapusit na ako, halos hindi na ako makahinga. Pero kahit ganoon ay ayaw ko pa ring tanggalin niya ang pagkakayakap sa akin.

"I'm sorry. I should've known my limits. That won't happen again."

Napanguso ako dahil gusto ko pa ulit na mangyari iyon o higit pa roon.

But he's right we should know our limits, as a young couple. Bata pa kami at maraming mga bagay na pwedeng gawin kaysa pairalin ang kapusukan. The right time will come for 'that thing'. Pero hindi ngayong nag-aaral pa kami at inaabot pa ang aming mga pangarap.

Ilang sandali pa ay ako na ang unang kumalas sa aming pagyayakapan at bumalik sa passenger seat. Medyo napangiwi ako dahil sa kakaibang sakit ng likuran ko. Nilingon ko nalang si Dwight at tumama ang mga mata ko sa mga mata niyang mapupungay. Nakatitig lang ito kaya nginitian ko siya ng matamis.

"Doon tayo sa bahay ninyo. Nandoon sa amin mga kaklase ni Aya, e."

Sabado ngayon at nagmeeting kaming mga student council officers sa isang coffee shop malapit lang rin sa UA. Masyado akong distracted kay Dwight kaya wala man lang akong naintindihan ni isa sa mga pinaliwanag niya.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now