Chapter 1
Sinama nga ako ni Daphne sa recognition nila. Katatapos lang at magugulo na ang mga tao rito. Lumingon-lingon ako sa paligid para mahanap si Dwight. Nagprepare rin kasi ako ng gift for him.
"Nandoon." Muntik na akong napatalon dahil sa gulat nang magsalita sa gilid ko si Jane. Nandito na rin pala silang dalawa ni Shane. "Nauna nang umuwi 'yung mga kasama namin. Doon tayo kila Daphne."
Silang lahat ay naka-uniform at ayos ang mukha habang ako naman ay nagsuot lang ng high waist maong pants, crop top, at sneakers. Hindi ako mahilig maglagay ng kung anu-ano sa mukha ko kaya nagpulbos lang ako tapos ay nilugay ang mahabang itim na buhok.
"For sure ipagluluto tayo ni Tita. That's true, right, Tita?" ani Shane na tinaas-baba pa ang mga kilay sa Mommy ni Daph.
"Of course! Napakasarap yata ng luto ko," pagyayabang ni Tita Danica.
Tumingin na ako sa tinuro kanina ni Jane at nakita ko nga roon si Dwight kasama lang rin ang mga kaibigan niyang nerdies na galing sa ibang strand. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang iyan ang mga kasama niya kaysa sa mga kaibigan niya na kaklase namin na pogi at mayayaman nga pero puro babae lang naman ang alam, nahawa na tuloy ang baby ko.
"Bigay ko lang 'to doon," paalam ko sa mga kaibigan at tinuro ang direksiyon kung nasaan si Dwight gamit ang regalo ko.
"Bilisan mo lang, ah? Picture picture pa tayo," sabi ni Daph.
Tumango lang ako at tinahak na ang daan papunta sa lalaki. Habang naiimagine ko ang mangyayari kapag inabot ko ang regalo ko sa kaniya ay nakakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan.
Habang papalapit ay nakatingin lang ako sa gwapo nitong mukha. Nakangisi siya habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Pare-pareho lang silang maraming medalya na nakasabit sa leeg.
Tatlong metro nalang ang layo ko sa kanila nang biglang mapatingin sa akin si Dwight. Biglang natahimik ito at nawala ang ngisi sa labi niya dahilan kaya napatingin din sa akin ang mga kaibigan niya.
Nang makalapit ay iniabot ko sa crush ko ang regalong hawak. Tinitigan niya lang ito ng walang emosiyon at hindi inaabot ang hawak ko.
"Uh, congrats," sabi ko na pero nangangalay na ang kamay ko ay hindi niya pa rin kinukuha ang regalo ko.
Naiilang na ako dahil sa tahimik lang na panonood ng mga kaibigan niya. Namumula kong binaba ang kamay kong nangangalay. Nakakahiya!
Pesteng lalaki kasi 'to, kapag sa ibang babae game na game siya.
Ayaw niya, edi 'wag!
Imbes na ipagpilitan ko pa ang regalo ko sa kaniya ay inabot ko nalang sa isang kaibigan niya.
"Sa 'yo nalang!"
"Uhm, thanks." Nahihiya nitong tinanggap ang regalo na para sana kay Dwight.
I heard Dwight chuckled with full of insult. Hinarap ko siya ng taas noo, para hindi halatang naapakan ang ego ko.
"Hoy, akala mo nam-"
"Dwight!"
Naputol ang sasabihin ko nang may babaeng tumawag sa kaniya. Agad na tumingin doon ang lalaki na parang hindi ako nagsasalita bago siya tawagin nito.
"What?" tanong nito sa magandang babae na nasa edad lang yata namin.
Kumapit agad ito sa braso ng crush ko na ikinahulog ng puso ko.
"Hinahanap ka na ng mommy mo. Let's go?" aya ng babae.
"Okay," payag agad ni Dwight at tinanguan ang mga kaibigan bilang pagpapaalam.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Teen FictionAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
