Chapter 21

193 16 25
                                        

Chapter 21

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang itsura ko nang makita si Daddy na nasa dining at umiinom ng alak. Pumunta ako roon at umupo sa may tapat niya. Kailangan kong manghingi ng pera sa kaniya dahil ubos ko na ang ilang buwan kong allowance na galing kay Mommy.

Nag-angat ito ng tingin sa akin at nakita ko ang kalungkutan sa mapupula niyang singkit na mga mata. Mukhang kagagaling lang niyang umiyak at gulo pa ang buhok niya at damit. I've never seen him like this.

"What do you need?" tanong agad nito sa akin.

"You look sad, Daddy," sagot ko na tinatago ang kalungkutan dahil hindi man lang ako nito nagawang kumustahin.

Gusto ko munang makipag-usap sa kaniya dahil hindi mawala sa isip ko ang pag-iyak ni Dwight kanina. Why did he suddenly cry like that? Is he that really sad?

"Aya's mom died today," sabi ni Daddy.

Gulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako nung makitang nangilid ang luha sa mga mata niya. Naalala ko si Aya na masigla pa akong ginising kanina at nagpaalam na aalis na.

Tumitig ako kay Daddy habang umiinom siya ng alak.

"Do you really love her mother?" naiilang na tanong ko.

Tumingin siya sa akin at nakangiting tumango pagkatapos ay muling naglagay ng alak sa baso niya. Pinanood ko siyang muli habang iniinom niya iyon.

"Iiyak ka rin po ba kapag ako 'yung namatay?"

Ang sikip ng puso ko at gusto ko na ulit umiyak pero pinipigilan ko. I wonder if he will be this sad if I die.

Bigla itong napatingin sa akin at nangunot ang noo. "Stop talking nonsense, Aimi."

"But I am serious, Dad," seryoso talagang sabi ko pero hindi na niya ako sinagot.

Of course, he doesn't care about my question bacause he doesn't really care about me. Pero gusto ko ng sagot niya. I want to know if he'll be sad when I die.

"Magiging ganiyan ka rin po ba kapag ako 'yung namatay? Iinom ka at malulungkot?" pangungulit ko sa kaniya.

Inis na itong tumingin sa akin. "Just leave me alone."

Bumuntonghininga ako. Mukhang wala talaga siyang balak na sagutin ako kaya sinabi ko nalang ang talagang pakay ko kaya ako lumapit sa kaniya.

"I don't want to go to school anymore but can you give me some money? Kailangan ko lang po talaga ngayon—"

"Where is Aimi?!" Napatingin kami ni Daddy sa pinto at nakita namin doon si Mommy na mukhang galit. Sigurado ay nalaman na nito na ubos ko na ang lahat ng pera ko sa card ko.

Nang makita ako nito ay agad itong lumapit at dinuro ako. "You! Where did you spend all of your money? Alam mo bang pinagpapaguran kong pagtrabahuhan lahat ng binibigay ko sa 'yo tapos wala mang isang buwan ay ubos mo na ang dapat na—"

"May tanong ako, Mommy," napahinto siya sa pagsasalita dahil sa seryosong tono ng boses ko. "Iiyak ka po ba kapag namatay ako?"

Nangingilid ang luhang nakatingala ako sa kaniya habang umaasang 'oo' ang sagot niya.

"You're changing the topic—"
 
"Hindi ka rin po iiyak katulad ni Daddy." Doon na lumabas ang mga butil ng luha sa mga mata ko.

"You're being dramatic, Aimi," naiiling na sabi nito.

"Sabi ni D-daddy nonsense daw t-tapos sa 'yo dramatic? H-hindi niyo po ako masagot d-dahil wala po kayong p-pakialam kahit mamatay ako?" sumisinok sinok pa ako at dire-diretso lang ang pagluha ko.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now