Chapter 10

214 15 6
                                        

Chapter 10

"Hay, natapos rin!" tuwang tuwa na sabi ni Kyla.

Mag-aalas sais na ng gabi nang maayos namin ang lahat. Buong room ay pinalibutan namin ng itim na kurtina para dumilim. Meron ding harang harang at mga decoration na pang halloween. Lumabas na kami at nilock na ni Ma'am Janine ang pinto.

Hangga't maaari ay ayaw kong tumingin sa kaniya. Baka makalimutan ko na nahalikan ko sa pisngi si Dwight.

Nilibot ko na ang paningin ko para hanapin si Dwight. Sabay akong uumuwi sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang naglalakad na pala siya palayo sa amin. Agad ko itong hinabol at nang makasabay na sa paglalakad ay kinalabit ko siya dahil hindi man lang ito sumulyap sa akin.

Gusto ko sanang magsorry na nakiss ko siya pero sobrang labag naman iyon sa kalooban ko, sobrang nagustuhan ko kasi 'yung nafeel ko nung naramdaman ko ang pisngi niya sa labi ko.

Bigla akong napangiti na naman ng malaki nang maalala iyon. Kinikilig na naman ako!

Hindi ito lumingon sa akin kaya kinalabit ko ulit siya. "Huy, sabay ako, ha?"

Kahit hindi niya ako sinagot at sumunod pa rin ako sa kaniya. Tahimik at walang emosyon siyang naglalakad habang ako ay nakangiti.

Pagkarating naman sa parking ay pinagbuksan niya ako ng pinto kahit tahimik lang siya. Tinignan ko siya at nginitian pero nag-iwas siya ng tingin.

Ako nang mag-isa ang nagsuot ng seatbelt ko, nakakahiya naman na kay Dwight.

Pagkapasok ni Dwight ay pinaandar na niya agad ito. Masyado na akong nabobored kaya pinakealaman ko ulit ang stereo niya. Hindi ako makapag-enjoy sa music kaya tumitig nalang kay Dwight habang nagmamaneho siya.

After minutes, he suddenly groaned and finally glanced at me. "Stop staring, Aimi."

Patay malisya naman akong umayos ng upo. Nakaramdam ko ng mga paru-paro sa tiyan ko kahit sa pagbanggit lang niya ng pangalan ko. Sarap sa tainga.

Tahimik nalang ako sa pwesto ko dihil baka kung may gawin pa ako ay ano na naman ang masabi ni Dwight na makakapagpawala sa mood ko ngayon.

Parang ang bilis ng oras at nasa tapat na agad kami ng bahay namin. Ngumuso ako at kumaway na lang sa lalaki pagkatapos ay bumaba na.

Pumasok ako ng bahay ng malaki ang ngiti sa labi. Didiretso na sana ako ng hagdanan para pumunta na sa kwarto ko at makapagreview pero may tumawag sa akin mula sa kitchen.

"Hey, pretty sister! I am cooking dinner, kakain ka ba?"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa tinawag niya sa akin. It seems familiar.

Pumasok ako sa kitchen para tignan ang niluluto niya. Buti pa siya marunong. Naramdaman ko ang titig nito sa akin kaya lumingon ako sa kaniya at tinaasan ng kilay.

"Okay ka lang ba?" tanong nito at agad naman akong tumango.

Tinikman ko ang tinolang manok na niluluto niya. Masarap siya at sa wakas ay makakakain na ako ng matinong ulam.

"Sobra naman yata sa laki niyang ngiti mo. Hindi ko na makita mata mo," sabi nito at pinausog ako para makapaglagay na siya ng ulam sa mangkok.

Good thing na rin pala na pinatira siya rito ni Daddy.

"Of course. I'm in a good mood right now."

"You look stupid."

Nawala ang ngiti ko at nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Line iyon ni Dwight, e! At saka hindi pa kami close para sabihan niya ako ng ganoon. Si Dwight okay lang, crush ko naman siya.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now