Chapter 29
"Ouch, Aimi! Masakit na," reklamo ni Dwight sa pang anim na beses kong pagb-brush sa lips niya gamit ang toothbrush.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa kahit na sobrang pula na ng labi niya. "This is because you let Erica kiss you here, Dwight. Hindi pa nawawala 'yung germs ng mga labi niya."
Hindi na siya nagsalita. Nasa harap kami ng sink ng comfort room niya habang nakasquat siya para maayos kong mabrush 'yung lips niya. Siya ang maghuhugas ng mga labi niya sa faucet tuwing matatapos ako. At tuwing makikita niya akong maglalagay ng toothpaste sa toothbrush ay mapapadaing siya bilang pagrereklamo.
Nakontento lang ako nang matapos ang panglabing dalawang beses na pagb-brush ko sa mga labi niya.
"Tapos na," sabi ko at umayos na siya nang tayo.
Pinakatitigan ko ang mga labi niyang sobra talaga ang pula. Magsasalita palang sana siya nang ipinalupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at hinatak siya payuko. Dahil matangkad siya, kahit na iniyuko ko na siya ay kinailangan ko pang tumingkayad para maabot ang mga labi nito.
Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero gumanti rin siya ng halik. Sinarado ko ang mga mata ko nang pumulupot ang mga kamay niya sa baywang ko. Tinabingi ko ang ulo ko at mas pinalalim pa ang halikan. Humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Dwight hanggang sa maglikot na ang mga kamay niya sa likod ko.
Nakakabaliw ang lasa ng mga labi niya dahil sa ilang beses kong pagb-brush nito. Lasang lasa pa ang toothpaste at napakalamig niyon. Lasang mint ito at halos hindi ko na malasahan ang alcohol.
Ilang saglit lang ay namalayan ko nalang na nakasampa na pala ako sa sink. Nakayakap parin ako sa batok niya habang patuloy lang sa paggalaw ang mga labi namin. Unti-unting lumipat ang halik niya sa pisngi ko papuntang leeg.
I was enjoying the feeling when he suddenly stopped, his hands stayed on my waist.
Parang ayaw ko pang ibukas ang mga mata ko dahil sa kahihiyan pero ginawa ko pa rin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko.
Nakatitig lang ang mapupungay niyang mga mata sa akin. Pagkatapos ng ilang segundong pagtitig ay marahan niya akong ibinaba. Inalis ko ang pagkakakapit ko sa batok niya at nag-iwas ng tingin.
"I told you I am drunk. You are taking advantage of me, huh?" Pabirong tinulak ng dalawa niyang daliri ang noo ko.
Gulat na bumalik ang tingin ko sa kaniya.
Madalas niyang gawin iyon sa akin noon. Naramdaman ko ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko.
Pero 'yung sinabi niya, parang hindi magandang pakinggan na ako na babae ang nagt-take advantage sa kaniya.
"I was just removing the germs Erica had put on your lips," depensa ko sa sarili ko, hindi matignan ng diretso ang mga mata niya.
Inalis ko na ang nakahawak niya pang kamay sa baywang ko at lumabas na sa banyo na nanghihina pa ang mga tuhod. Sumunod siya palabas at pumunta siya sa aparador niya habang ako ay nagdire-diretso papuntang pinto.
Kailangan ko nang umalis dito dahil may kung ano nang kahalayan ang nabubuo sa utak ko. Feeling ko tuloy ay ang sama ko at talagang nagt-take advantage ako sa kalasingan niya.
"Wait!"
Bubuksan ko na sana ang pinto para umalis na roon pero natatarantang hinabol naman ako ni Dwight. Humawak siya sa braso ko at iniharap ako sa kaniya. Napigil ko ang hininga ko. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya pero inabutan lang ako nito ng t-shirt at pajama. Wala naman sa sariling tinanggap ko iyon.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Ficção AdolescenteAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
