Chapter 7

167 14 23
                                    

Chapter 7

"Wala pa ba ang magulang mo, Ms. Yajima? Mag-aalas singko na. Lahat ng kasama mo ay kanina pa nakabalik sa classroom niyo. Malamang ay nakauwi na ang mga iyon."

Napayuko ako nang sabihin ni Mrs. Mariano iyon.

Agad nang nakaalis dito sa office ni Mrs. Mariano ang mga kasama ko kanina dahil kakatawag palang nila sa magulang nila ay dumating na agad. Bawal kasing umalis dito hangga't wala pang dumadating na guardian. Mommy sana ni Daph kaso bawal daw, dapat daw parent ko. Hindi tuloy ako nakapasok sa mga pantanghaling subject. Hindi na niyan matutuloy 'yung honor ko.

Nakaupo ako rito habang kinakalikot lang ang mga daliri. Si Ma'am ay nagch-check ng mga papel sa desk niya. Naramdaman ko ang pagkulog ng tiyan ko dahil sa gutom. Hindi rin kasi ako nakapaglunch, bibilhan daw ako nina Daphne ang kaso ay tumanggi ako dahil wala akong gana kanina.

Lumipas pa ang ilang minuto at bumukas ang pinto. I was shocked when I saw my mom entered the office. I did not expect it. Akala ko dito na ako matutulog.

Habang palapit siya kay Mrs. Mariano ay napakasama ng tingin niya sa akin. It's as if she's killing me inside her head already.

Suot niya ang pang opisina niyang damit. I looked like her except from the eyes. I have a chinky eyes while she has a wide one even though she's half Japanese. Maybe she got it from my Lola.

Nang makaupo na siya sa harap ni Ma'am ay may peke na siyang ngiti sa labi. Kinausap siya nito ng ilang minuto. Anu-ano pa ang sinasabi ni Mrs, Mariano at mukhang naiinis na si Mommy.

I can imagine now what will happen to me after we get out of here.

"Thanks for your time, Mrs. Yajima," magalang na pamamaalam ni Ma'am kay Mommy. Plastik naman na ngumiti rito si Mommy at nagkamayan sila.

Mrs. Mariano looked at me and smiled. "You can go now with your mother."

"Thank you po," pagpapasalamat ko at tumayo na rin.

Nauna nang lumabas si Mommy at nakasunod lang ako. Pagkalabas na pagkalabas ay mahigpit na hinawakan niya agad ang braso ko at kinaladkad.

"Mommy, masakit," sabi ko rito habang sinusubukang tanggalin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko.

"Manahik ka! Dapat lang sa 'yo iyan!" mariing sabi niya.

Pagdaan namin sa tapat ng library ay saktong paglabas doon ni Dwight. Nagtama ang paningin namin at agad akong nag-iwas dahil sa hiya.

Gosh, this is so embarassing.

Napabuntonghininga nalang ako nang makitang nakapark ang kotse ni Mommy sa tabi nung kay Dwight.

Nang makarating na sa kotse ni Mommy ay pabalibang niyang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. That hurts.

"Ano?! Nakulangan ka na naman ba sa pansin at nakipag-away ka?!" gigil na sabi niya sa napakalakas na boses.

Naramdaman ko naman ang pangingilid ng luha ko. Kung ano iyong ikinatapang ko sa pakikipag-away kanina ay wala na.

Kulang naman talaga ako sa pansin simula pagkabata. Magtataka pa ba siya? Kung wala nga noon si Lola malamang wala na rin akong galang sa kanila ni Daddy o sa kahit kanino.

Yumuko nalang ako at hindi na sumagot. I don't wanna make her more angry. Baka mamaya pati allowance, hindi niya na ako bigyan.

"You just wasted my time!" anito at dinuro duro ako. "You're so useless. You're just like your father. Baka kaya mabababa ang mga nakuha mong grades noon ay dahil puro lalaki ang inaatupag mo? Ganoon din Daddy mo, e. Puro landi!"

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now