Chapter 23

163 14 9
                                    

Chapter 23

"Ate, Aimi!" Paakyat na ako ulit sa taas pero mukhang napansin ako ni Aya.

Lumingon ako at nakitang papalapit na siya sa akin.

"I called them," nakangiting sabi nito at sinenyas ang kamay niya sa bandang sala. Tumingin ako roon at nasa akin na lahat ang atensyon nila.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Aya o ano dahil sa pagiging insensitive niya. First, I met Dwight, the who I am expecting not to see anymore. Second, I learned about Dad's death. She should've know that that's already too much for me today. Now she called my cousin and friends who I am not okay with before I left.

It's my plan to meet all of them to apologise, of course...even Dwight, but not this early! Balak ko silang unti-untiin pero bakit nakita ko silang lahat ngayong unang araw ko palang sa Pilipinas?!

I saw how Shane and Daphne were trying not to shed tears. Si Jane naman ay masama ang tingin sa akin na parang may napakalaking kasalanan akong ginawa. Nang magtama ang mga mata namin ni Kassie ay nginitian niya ako. Tumingin ako kay Gio na namiss ko ng sobra.

Namiss ko ang mga kaibigan ko at si Aya pero iba pagkamiss kay Gio na halos kasama ko sa paglaki. Lalo na kay Dwight. 

Nang tumayo siya at nginitian ako ay umiiyak akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Mahina itong tumawa at ginantihan ako ng yakap.

"Shh," pagpapatahan nito sa akin habang tinatapik tapik ang likuran ko, niyugyog niya rin ang katawan ko gaya nang ginagawa niya noon kapag alam niyang hindi ako okay.

"I-I missed you s-so much," sumisinghot na sabi ko.

"I missed you, too. Saan ka ba pumunta at ilang taon kang nawala, ah? You didn't even told me that you were leaving. Sana—ouch!"

Natanggal ang pagkakayakap ni Gio sa akin kaya tinanggal ko rin ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Tinignan ko kung anong nangyari at nagulat nang makitang kinukurot kurot ni Jane si Gio at sobrang sama ng tingin niya sa pinsan ko.

"Stop it, Chantria," sabi ni Gio habang iniiwasan ang mga kurot ni Jane.

"Hindi kita sinama rito para kuhanin 'yung moment namin! Lumayo ka nga!" inis na sabi ni Jane at para namang masunuring bata si Gio na sumunod. Nang ako naman ang tinignan nito ng masama ay nakanguso ko lang na pinunasan ang mga luha ko. Bigla itong bumuga ng hangin na akala mo'y hindi makapaniwala. "Unfair mo, Aimi. Si Asahi niyakap mo, kami hindi. May pa-'I missed you' ka pa. E, kung hiwalayan ko kaya ulit 'yang pinsan mo?"

Napataas ang kilay ko sa tawag niya sa lalaki.

"Don't you ever do that again," singit ni Gio.

Magsasalita sana ako ang kaso ay nahagip ng paningin ko si Dwight na nanggaling sa kitchen. Wala sa sariling napasunod ako ng tingin sa kaniya habang paakyat siya ng hagdan hanggang sa hindi ko na siya makita.

Doon ko lang napansin na natahimik ang lahat na parang may dumaan na anghel. Tinignan ko sila at lahat sila ay nakatingin lang sa akin.

"Magluluto muna ako doon," paalam ni Aya para makaligtas sa katahimikan at awkwardness.

"Siya pa rin?" nakataas ang kilay na tanong ni Daphne.

"Miss mo?" si Kassie.

Pinamulahan ako ng pisngi sa mga tanong nila at yumuko.

"E, sino Daddy ng inaanak ko?" takang itinuro ni Shane si Gavin na may hawak na laruan at nakasubo ng pacifier.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot kaso ay inunahan ako ng tanong ni Jane. "Pero bakit ka muna umalis?"

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now