Chapter 14

151 13 10
                                    

Chapter 14

Malamang ay dala ni Dwight ang kotse niya kaya nagcab nalang ako pauwi ng bahay. Habang pauwi ay narinig ko pa ang pagtunog ng cellphone ko.

Nang makita ko kung ano iyon ay muntik ko nang mapatay si Dwight sa isip ko.

Dwight:

Please, wait for me there. Babalik din ako agad. We're on the hospital now.

Nanggigigil akong nagtype sa phone ko. Balikan niya sarili niya kung gusto niya!

Me:

I'm on my way home now. Huwag ka nang bumalik doon, dala ko gamit mo. Pero kung gusto mo pang kuhanin 'yung laptop at mga papel ni Erica doon, bumalik ka kasi.

Grabe, ah? Ang bilis niya namang nakarating sa hospital? Ganoon ba siya ka-nag-aalala sa babae na 'yon?

Hindi naman sa ayaw kong tinulungan niya si Erica. I am just jealous because he really looked so worried and disconcerted. Hindi niya pa nagawang magpaalam sa akin.

Whatever. Ano na naman ba 'tong kadramahan ko na 'to? I'm supposed to be happy on my day!

Muling tumunog ang cellphone ko sa panibagong mensahe.

Dwight:

I'm so sorry. She messaged me earlier and told me that she's pregnant and not feeling well. I was just worried. I'm sorry. Please.

Me:

Okay.

Bakit kailangan niya pang magpaliwanag sa 'kin? Buhay naman niya 'yon. Bahala siya.

Nang masend ko na iyon ay binaba ko na ulit ang cellphone ko. Wala naman akong magagawa kung nag-alala siya. Ayaw ko na ng drama. I only want a positive vibes now.

Tumunog ulit ang cellphone ko pero hindi na dahil sa message.

Tumatawag si Dwight!

Sasagutin ko na sana pero napag-isip isip ko na baka lalo lang sumama ang loob ko. Pinatay ko ang tawag at in-off na rin ang cellphone. Mamaya ko nalang io-on kapag nasa bahay na at ich-chat ang mga kaibigan. Magmumuni-muni muna ako sa bahay since wala rin doon si Aya.

Umalis kasi ito kanina at babalik rin naman daw siya after lunch.        

Napangiti ako ng maliit nang makita ang mga kotse ng mga magulang na nakapark sa garahe. Agad akong pumasok sa loob at ibinaba ang mga gamit sa sala. Dumiretso ako sa dining dahil doon ko naririnig ang mga boses nila.

"Oh, nandito na siya," nakangiting sabi ni Mommy nung makita ako.

"Take a sit, hija," nakangiti ring sabi ni Daddy sa akin.

Naalala nila ang birthday ko! Hindi sila nag-aaway at higit sa lahat, nakangiti sila sa akin. Mukhang parehas silang nakamood ngayon.

Tumayo si Mommy para ipangkuha ako ng pinggan. Naupo naman na ako at ngumiti kay Daddy.

"Where's your sister?" tanong ni Daddy.

Kahit ang pagka-usap niya sa akin ay mahinahon. Kahit masaya ako ay hindi ko pa rin mapigilang maweirduhan sa kanila.

"Umalis kaninang umaga. Pauwi na rin 'yon maya maya," sagot ko rito.

Tumango ito sa akin ng nakangiti pa rin. Dumating na si Mommy at siya na rin ang kumuha ng pagkain ko. Pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ko.

Ayaw ko na sanang punahin ang mga ikinikilos nila pero hindi ko mapigilan.

"Why do you two look so happy?" kunot-noong tanong ko at sumubo ng pagkain.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now