Chapter 28
"Anong oras uuwi si Dwight?" tanong ko kay Aya nang makasalubong ko ito sa may hagdan.
Kadarating lang nito galing sa eskwelahan. Mukha itong pagod ngunit hindi iyon nakabawas sa kagandahan niya.
Nagtataka niya akong tinignan at nagkibit ng balikat. "Hindi ko alam. Hindi naman niya sinasabi sa akin."
Nakanguso lang ako na tumango sa kaniya at hinayaan na siyang makaakyat sa itaas nang makapagpahinga na rin siya.
Dwight started avoiding me since that day. Hindi ko na naman alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
Parang tanga lang na pagkatapos niya akong halikan sa kotse niya at pakiligin ay iiwas siya sa akin. Kung alam ko lang na ganoon ay hindi ko na siya pinagtripan no'n. Sana kaswal pa rin siyang nakikipag-usap sa akin. Okay naman na ako sa gano'n lang.
Naupo ako sa sala pagkatapos ilagay ang natutulog na si Gavin sa stroller niya.
Tulala lang ako sa pinto habang naghihintay na pumasok doon si Dwight. Gaya nung mga nakalipas na araw ay naghapunan na pero hindi pa rin ito dumadating. Nakanguso akong naghanda nalang ng makakain at nang matapos ay tinawag na si Aya.
Habang kumakain ay napansin kong mugto ang mga mata niya kaya kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Umiyak ka?"
Marahan siyang tumango at mahinang tumawa. "Yeah, I broke up with my boyfriend."
"Bakit?"
Nagkibit siya ng balikat na parang baliwala lang iyon pagkatapos ay tumulala sa pagkain niya. "He cheated on me. But I think he's not the reason why I cried and why I'm hurting right now."
"Ha?" Nangunot lalo ang noo ko.
Tumawa siya at naglandas ang luha sa pisngi niyang namumula pagkatapos ay ngumuso. "Baliw na ako, Ate Aimi. Parang ikaw lang noon nung inlove ka kay Kuya Max."
"Parang mas baliw ka, Aya. Tumatawa ka habang umiiyak."
"Whatever." Umirap siya at pinunasan ang pisngi. "Akin nalang muna si Gavin ngayong gabi, ah? Para naman malibang ako."
Nang matapos kaming kumain ay kinuha na niya ang bata at ako na ang nagligpit ng pinagkainan. Umakyat muna ako sa kwarto ko para makapaghilamos at makapagpalit ng damit na pangtulog. Bumaba ulit ako sa sala na may dalang earphone at libro.
I will wait for him.
Nalibang ako sa pakikinig ng albums ni Taylor Swift habang nagbabasa kaya hindi ko na namalayan na maghahating gabi na pala. Dinadalaw na ako ng antok kaya tumayo muna ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape.
Anong oras na siyang umuuwi pagkatapos ay sobrang aga rin niyang umaalis.
Napangiti ako ng mapait.
Parang sina Mom at Dad noong wala pa silang pakialam sa akin. Nangilid ang luha ko sa napagtanto.
Does it mean that he doesn't care about me?
But I will still wait for him.
Hanggang sa umabot na ng ala una ay wala pa rin siya. Papatayin ko na sana ang ilaw dahil balak ko nang umakyat sa taas para makatulog nalang pero may narinig akong ingay sa may pinto. Muli akong nabuhayan ng dugo dahil baka si Dwight na iyon.
Bumukas ang pinto at nakitang si Dwight nga ito pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Erica na inaalalayan siya dahil mukhang lasing ito. Magkasama sila kahit madaling araw na.
"I want... to talk..." Pinilit niyang umalis sa pagkakaalalay sa kaniya ni Erica. Sinubukan niyang maglakad mag-isa pero muntik na siyang matumba. Agad naman itong naalalayan ng babae.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Ficțiune adolescențiAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
