Chapter 26
Nilagay ko ang bag sa sofa at ang natutulog nang si Gavin sa stroller niyang nasa sala. Kagagaling lang namin sa hospital para ipa-check ito.
Sinigurado ko munang maayos at kumportable siya bago sumunod kay Dwight na sa kitchen dumiretso pagkarating namin. Katatapos lang nitong uminom. Tumaas ang isa niyang kilay nang nakita akong papalapit.
"Thank you but don't act like that again, Dwight," mahina pero siniguro kong maririnig niya.
"What?" nagtataka niyang tanong.
Parang umurong bigla ang dila ko ngayong kaharap na siya. Gusto ko lang naman na ihinto niya ang pag-akto niya na parang may paki siya.
Bumuntonghininga ako at umiling nalang. Sabagay, ako lang naman ang nagbibigay ng kahulugan sa mga ginawa niya kagabi at kanina.
Pinakatitigan niya ako na parang may malalim na iniisip. Hindi ko makayanan ang titig niyang iyon kaya nagbaba ako ng tingin.
"Just don't act like you care." Sinubukan kong itago ang lungot sa boses ko at tumalikod na.
Nakakadalawang hakbang palang ako nang muli siyang masalita.
"Aimi." Seryoso ang boses niya kaya napahinto ako. "Aren't you really gonna tell me why'd you leave?"
Oh, not this question! Bakit ba bigla nalang niya iyong naitanong ngayon?
I am not ready to talk about it with him. Mabuti pang sinabi nalang sa kaniya ni Aya. Ayaw kong kaawaan niya ako. Ngayon ngang iyon palang ang tinatanong niya ay nangilid na ang luha ko, paano pa kung sasabihin ko sa kaniya?
"Kay Aya mo nalang itanon-"
"I want to hear it from you," he cut me off.
Hindi na ako nagsalita. Gusto ko nang umalis doon pero parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
"Why did you leave without even telling me?" Bakas sa tono ng pagtatanong niya ang panunumbat.
Parang sinaksak ang puso ko at mas lalo akong walang masabi. Pinigilan ko ang pangingilid ng luha ko lalo na nung pumunta siya sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kita ko sa mga mata niya ang pagdaan ng sakit na agad ding nawala.
"Answer me and don't give me that look."
Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit ko pa ba siya sinundan dito. Sana diniiretso ko nalang si Gavin sa taas.
"I... I h-had..." nanginig ang boses ko at napayuko ako. I can't say it! "Maybe if you just said those words back, I stayed."
Tumawa siya ng nakakainsulto kaya napaangat ako ng tingin ulit. "I'm glad I didn't because you don't realy mean that."
"I mean it, Dwight. I really mean it when I said I love you-"
Dang it! Bakit ba biglang napunta rito ang usapan namin?!
"If you really mean it, you won't leave me there kneeling and stupidly crying begging you not to let me go without even asking me what happened!" napapiksi ako sa galit at medyo tumaas niyang boses. "Hindi mo man lang noon tinanong kung ayos lang ba ako. It's the first time you saw me cried, hindi mo man lang ba naisip na nasasaktan ako noon at may pinagdaraanan din? You only think about what you feel. You're so selfish, Aimi."
Ngayon lang. Ngayon lang niya ako pinagsalitaan ng ganito. Ngayon lang siya nagalit sa akin ng ganito. Ngayon lang niya ako sinumbatan. Kahit noong palagi ko siyang sinisigawan, tinitiis niya ako at hindi siya nagrereklamo.
Wala na naman akong masabi dahil tama siyang iniisip ko lang noon ang sarili kong nararamdaman at pinagdaraanan. Lagi niya akong kino-comfort noon kapag umiiyak ako pero nung siya na ang umiiyak, iniwan ko siya.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Novela JuvenilAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
