Chapter 11

179 13 11
                                        

Chapter 11

"Shit, ang ganda natin!" tili ni Kyla nung matapos na kaming maayusan.

"Anong maganda? Multo tayo, 'no!" nakanguso kong sabi rito.

Nakasuot ako ng long white dress na sira na binigyan ng fake blood tapos ginulo pa 'yung buhok ko at halos ilagay lahat sa harap ng mukha ko. Si Kyla naman ay may saksak na kutsilyo sa leeg at puro fake blood din.

Hindi niya ako pinansin at nagselfie-selfie sa cellphone niya. Kinuha ko nalang din ang cellphone ko at nakipagchat sa mga kaibigan. Nasa kani-kanilang mga bahay pa sila.

Nasa may student council room kami ngayon na mga multo. Sila Dwight at iba pa ay nandoon na sa may booth at inaayos ang mga kailangan pang ayusin. Pagkagising ko ay wala na ako agad sa mood dahil sa pesteng dalaw ko.

Lumipas ang kalahating oras ay pinapunta na kami sa booth. Wala roon si Dwight at balak ko pa sanang maghintay sa labas pero pinapasok na kami. Dumarami na kasi ang mga estudyante at dapat daw hindi nila kami makita para raw surprise.

Ilang minuto lang ay nagpapapasok na sila ng tiglilimang estudyante. They only have 15 minutes to solve the puzzle.

Dalawang oras na ang lumipas at bored lang akong nananakot dito. Masakit na ang ulo ko sa lakas ng sound effect sa loob. Iniisip ko rin ang mga kaibigan na paniguradong nag-eenjoy manood ng basketball at iba pang sports.

Pagkatapos ng pang siyam na grupong pumasok ay napaupo na ako sa sahig. Tinatamad na ako. Hindi ko pa nakikita ngayong araw 'yung inspiration ko.

"Wala ba tayong miryenda nagugutom na ako," sabi nung grade 11 na representative.

Saktong pagkasabi niya noon ay pumasok si Dwight na may dalang miryenda. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya ng may malaking ngiti sa labi. Iniwasan naman ako nito at binigyan na ang mga kasama ko isa isa kaya napanguso ako.

"Break muna daw sabi ni Ma'am," sabi nito at binigyan na rin ako ng pagkain. Kakausapin ko pa sana siya pero umalis na agad ito pagkatapos.

Ganoon din nung maglunch at ibigay niya ang pagkain namin. I was staring at him the whole time while he's distributing our lunch but he never looked at me.

Mga one pm ay nag-umpisa na ulit magpapasok. Natuwa naman ako nung makita kong ang mga kaibigan ko iyon. Si Jane, Daphne, Shane, Kassie, at ang isa nilang kasama ay iyong pinsan ni Daphne na taga ibang strand.

Imbes na magsigawan sila katulad nung mga estudyanteng nauna ay tinatawan pa ng mga ito ang mga multong nakikita. Iyong pinsan naman ni Daph ay walang kaemosyon emosyon ang mukha. Paniguradong hinatak lang ito ni Daph para makumpleto sila at makapasok.

"Gago, ayon si Aimi!" sigaw ni Jane at tinuro ako pagkatapos ay nilapitan nila ako.

"Hoy, 'yung crush mo sa HUMSS strand maglalaro sa basketball mamayang alas dos!" Pinalo pa ni Daphne ang balikat ko nung sinabi niya iyon.

Imbes na pansinin sila ay hinarap ko si Kassie.

"Bakit hindi ako pinapansin ni Dwight?" nakangusong tanong ko rito.

Nagkibit balikat siya sa akin. "Ako nga din, e. Simula nung kausapin siya ni Tita kagabi tahimik na siya."

Napanguso ako sa sagot ni Kassie. Ano kayang pinag-usapan nila nung Mommy namin?

"Ahh, ganoon! Wala ka nang pakialam sa iba mong crush?" sarkastikong tanong ni Daphne sa akin. Winagayway pa nito ang kamay sa harap ng mukha ko para lang mapansin siya.

"Matagal pa ba kayo? Hanapin niyo na pinapahanap. I wanna get out of this shitty place already," walang emosyong sabi nung pinsan ni Daph.

"That's true. Hanapin na natin, walang gwapong multo dito," singit ni Shane.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now