Chapter 27

163 16 10
                                        

Chapter 27

"Magg-grocery ako ngayon. Wala ba kayong ipabibili?" walang ganang tanong ni Dwight habang kumakain kami.

Pareho kaming napatingin sa kaniya ni Aya at natulala na naman ako sa bagong gising na itsura niya. Kung araw-araw kong nakikita ang itsura niyang ganito ay baka hanap-hanapin ko ito bawat umaga.

Halos isang linggo na rin simula noong nagkasagutan kami at hindi na rin naman siya nagtanong tungkol sa pag-alis ko noon.

Lumipat ang tingin ko kay Aya na tumayo. May kinuha siyang papel na nakapatong sa may center table sa sala. Pagkabalik nito sa hapag ay inabot niya iyon kay Dwight. Binitiwan ni Dwight ang hawak na kutsara at tinignan ang papel na binigay nito. Bahagyang nangunot ang noo niya at nag-angat ng tingin kay Aya.

"What are you gonna do with all of these?" Pinakita niya rito ang papel na maraming nakasulat.

"Ingredients sa lulutuin ko 'yan para sa party mamaya. It's my best friend's birthday, invite your friends." Iyon lang ang sinabi nito at bumalik na ulit sa pagkain.

Nakita ko ang pagtango ni Dwight pagkatapos ay sa akin naman tumingin. Nahigit ko ang hininga ko nung agad na nagtama ang mga mata namin. Umiwas ako at binalingan nalang ang naglilikot na si Gav sa kandungan ko.

"You?"

"H-ha?" Muli akong napatingin sa kaniya, tumaas ang kilay at bahagyang nanlaki ang singkit kong mga mata.

"Wala ka bang ipabibili?" paglilinaw niya sa tanong.

Wala nang stock na gatas si Gavin at kailangan na ring bumili. Aayain ko na sana bukas si Shane dahil bibisita raw ito pero maggo-grocery naman na ngayon si Dwight kaya papasabay ko lang siguro.

Sasabihin ko na sanang gatas lang ang ipasasabay kong ipabili ngunit may pumasok sa isipan ko.

"Sama ako."

Tumaas ang isang kilay niya at nagsalita matapos niyang maubos ang nginunguya. "Hindi pwede. I have a client to meet."

Nanamlay ako bigla. Pinagpatuloy ko nalang din ang pagkain at hindi na muling tumingin sa kaniya.

Pwede naman niyang sabihin na ayaw niya lang, magdadahilan pa siya.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang mahinang pagbuntonghininga nito pero sinikap kong hindi siya tignan.

"Fine. But you can't bring your baby because I really do have a client to meet."

"Ha?" Siguro ay kailangan ko nang bawasan ang pagkalutang ng isip ko. Palagi nalang kasi akong nagugulat kapag bigla akong kakausapin ni Dwight.

"I said you can go with me. Leave your baby to Aya."

"Seryoso?" Unti-unting gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko.

Hindi na ito umimik. Nang matapos kaming kumain ay kinuha ni Aya si Gav at ako na ang naghugas ng pinagkainan. Pagkatapos ay pumunta akong sala at nakisamang manood sa dalawa para magpalipas ng oras habang hinihintay na mag-alas nuwebe para makaligo na ako.
            
         

***

Pagbaba ko ay nandoon na si Dwight sa sala. Kasama niya roon si Aya na kalaro ni Gav habang siya ay nakatingin sa cellphone. Nag-angat ito ng tingin nang papalapit na ako sa kanila at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Nagsuot lang ako ng dark brown long sleeve crop top na bumagay sa kulay ash brown na buhok kong hanggang balikat, hinayaan ko lang itong nakalugay. Tinernohan ko ang pang-itaas ko ng high waist jeans at white sneakers.

Siya naman ay nakablack button-down long sleeve polo paired with a denim jeans. Nakapatulak palikod ulit ang buhok niya na nakakapagpatingkad lalo ng kagwapuhan niya.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now