Chapter 2
"May pa-sampal sampal ka pa no'n, excited ka rin naman palang makita siya ngayon. Anong kaekekan 'yan, Aimi Yajima? Ganiyan ba talaga mga hapon?" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Daphne. "Napaka-red flag na nung lalaki, e."
Naglalakad na kami ngayon sa hallway palapit sa bagong classroom namin. First day of school at nauna nang pumasok sa amin sina Shane at Jane.
Last na nakita ko si Dwight ay noong dapat na magpapa-enroll kami. Hindi rin kami nakapag-enroll dahil nawala ako sa mood buong araw. Kaya the next day nalang kami natuloy.
"Okay lang na sinigawan niya ko, at least hinawakan niya wrists ko," irap ko sa kaniya.
"Wow! Masaya ka pa sa hawak niya na 'yon? Napakapula kaya nung palapulsuhan mo no'n!"
"Hindi man, sakto lang."
"Ewan ko sa 'yo, tanga ka masyado."
Magulo ang classroom nang makapasok kami roon. Marami na ring tao at maingay. Napasimangot ako nang makitang wala pa roon si Dwight.
"Dito, Aimi, Daphne!"
Pumunta agad kami roon kung nasaan sila Shane at Jane. Sa may bandang gitna ang napili nilang pwesto at nagreserve sila ng dalawang upuan para sa amin ni Daphne.
Nakanguso akong tumabi kay Shane na naglalagay ng cheek tint.
"Stop waiting for him, Aim. Aren't you mad at him for what he did to you last time?" kunot-noong tanong ni Jane nang makita akong nakanguso na nakatingin sa pinto.
"Daphne, ayusin mo nga 'tong blush on ko! Nai-stress na ako. Ayaw magpantay!" humarap si Shane kay Daphne na nasa kabilang gilid niya. Sunod kay Daphne ay si Jane. Ang cool lang dahil pare-parehas 'ne' 'yung dulo ng name nila. Parang pinag-planuhan, e.
Busy nang nag-aayusan si Daph at Shane, si Jane naman ay pangiti-ngiti lang habang nagc-cellphone, ako ay bumubuntonghiningang nakapangalumbaba na nakatingin sa pinto.
I am patiently waiting for that handsome creature to enter our classroom. Crush ko pa rin si Dwight kahit after nung encounter namin last two weeks. It's just so hard not to missed that face- and I got closer to him when he stoped me when I grabbed Kassandra's hair! Infairness napakabango niya at lalo ko pa siyang naging crush!
"Hay naku! 'Di ko ine-expect na magkakaroon tayo ng baliw na kaibigan."
Nagising ako sa reyalidad ng biglang himas-himasin ng nakatayo nang si Daphne ang buhok ko. Hindi ko namalayan na nangingiti na pala ako.
Tinabing ko ang kamay niya at inirapan siya. Saktong pagtingin ko ulit sa pinto ay pumasok si Dwight. Napuno ng sigla ang buo kong katawan nang masilayan ang gwapo nitong mukha. Nawala nga lang agad nang makita ko ang pangbabaeng bag na bitbit niya hanggang sa pumasok kasunod niya si Kassandra na nililibot ang paningin sa buong classroom.
Nang makita ako nitong nakatingin ay nginitian niya ako at ginantihan ko lang siya ng irap. Nainis naman ako nung tumatawa niya akong inilingan. Natalisod pa siya pero hindi naman nadapa.
Hala ano 'yon? Feeling close lang? May nakakatawa ba doon?
"Easy, Aim. Parang kinakatay mo na siya sa utak mo, e," tawa ni Jane na nahinto na pala sa pagc-cellphone.
"That's true. If I were you, I will uncrush that Dwight na."
Sinamaan ko ng tingin si Shane na inosenteng pinaiikot-ikot ang ilang hibla ng buhok niya gamit ang darili.
Duh? Hinding-hindi mawawala ang pagkakacrush ko kay Dwight, 'no! Ang hirap makahanap ng ganoon kagwapo sa mundo, tapos matalino pa at higit sa lahat ay hindi jejemon.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Ficção AdolescenteAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
