Chapter 4
"We are here now because of you!"
Nagising ako dahil sa naririnig kong mga sigawan sa baba. Sinilip ko ang wall clock sa kwarto ko at nakitang alas tres pa lang ng madaling araw. May pasok pa naman ako ngayon at magrereport ako. 'Yung report na 'yon na pinagkaabalahan ko sa buong weekend.
Bumangon ako para makinig kung ano naman ngayon ang pinag-aawayan ng mga magulang ko. Nasa second floor na ako pero rinig na rinig ko pa rin ang mga boses nila kahit nasa baba sila.
Pababa na ako ng hagdan ay may naririnig na akong nangangabasag na kung ano. Napabuntong hininga ako. Ako lang naman niyan ulit ang maglilinis ng mga nababasag na iyan mamaya.
Sa gitna ng hagdan ay huminto na ako para hindi nila ako mapansin. Nakikita ko na rin naman sila kahit dito lang ako.
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan! It's because you fucked me!" nanggagalaiting sigaw ni Mommy.
Nakapangtrabaho pa sila parehas ni Daddy at mukhang nagkasabay silang umuwi at nagkapikunan na naman. There's nothing new.
"You let me!" ganting sigaw ni Daddy. Bumabakat na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit.
"Kung hindi mo pinagana iyang pagkabastos mo, sana wala ako ngayon dito!" nagsisising sabi ni Mommy. "Gosh! I was sixteen years old!"
"Edi kung nagpills ka sana noon edi wala tayong anak at hindi tayo mapipilitang magpakasal!"
Bigla ko nalang naramdaman ang mga luha ko na pumapatak.
They really regret having me. They don't want this family.
"Stop passing the blame with me, Akio." Sarkastic na ngayon si Mommy. "Sino ba naman kasi itong nangbuntis agad ng ibang babae, e, isang taon palang siyang nakasal sa menor de edad at isang taon palang din ang anak niya, ha?!"
"I hate you and your mom. You all forced me to this marriage!"
"Well, I hate her, too! I wish I never met you! You fucking horny man!"
Lalong bumuhos ang luha ko nang idamay na pati ang lola ko. I hate this family since my Lola died. She's the first person who loved me and cared for me that I never felt from my own parents. How dare them hate her!
Bago pa ako makarinig ng mas marami pa roon ay umakyat na ako sa taas at sa kwarto ko nalang umiyak. I missed my Lola so much. I wish that I still have her.
***
Para akong zombie na naglalakad papunta sa classroom. Hindi na ako nakatulog at maga ang mga mata ko kakaiyak. Nilinis ko pa ang mga vase na nangabasag. Ilang piraso nalang niyan ang mga vase namin doon.
Kaunti palang ang mga tao dahil sobrang aga pa kaya nagulat ako nung makitang nadoon na rin sina Shane at Kassie sa classroom at nagtatawanan.
Sa harap na pintuan ako dumaan at dirediretso lang ako na pumunta sa pwesto ko sa likod. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin nila sa akin nang nilampasan ko lang sila at hindi pinansin. Pagkaupo ko ay yumuko agad ako sa desk ko at pumikit.
I felt someone sat beside me. I thought it was Dwight whose gonna make my day but when I look at it, it was Shane. Kassie is also standing in front of me now.
"Hahabol si Dwight for president sa UASHS Student Council." Kassie gave me a friendly smile. "And, 'wag mo nang isipin 'yung nasa wallpaper niya. That girl is married now."
"Ahh, okay. Pakisabi kay Dwight bilisan niyang tumakbo." Nag-thumbs up ako sa kaniya.
"Funny 'yon, Aimi? Anong problema? Ang aga-aga, maga mga mata mo," sabat ni Shane.
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Teen FictionAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
