Chapter 17
"Let's go."
Napanguso ako habang nakatitig kay Dwight na nakahalukipkip na nakasandal sa kaniyang kotse.
It's our final exam for first sem now and I'm nervous. Baka kasi wala akong masagot ni isang tanong doon. Sumasakit ang ulo ko sa math at hindi ko na alam kung bakit nga ba STEM ang kinuha kong strand.
It's been a month and weeks since he started courting me. Walang araw na hindi niya ako sinasabay papunta sa school at pauwi, pwera sa weekends dahil wala namang pasok no'n. Sinasamahan niya rin akong magreview sa bahay namin.
Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na sinasagot ko na siya pero ayaw niya naman.
Parang tanga lang.
"What's with that look, huh?" Tinaasan niya ako ng kilay at pinagbuksan na ng pinto sa may passenger seat.
Tahimik akong sumakay roon nang hindi tumitingin sa kaniya. Naramdaman ko pa ang pagtitig nito sa akin bago isara ang pinto at sumakay sa may driver's seat.
Pagkapasok niya ay sinamaan ko ito ng tingin habang siya ay nakangisi na nakataas ang isang kilay.
"What?" natatawang tanong nito.
Inirapan ko siya. "Alam mo? Ang corny mo."
Ang corny naman kasi talaga. Manliligaw raw pero ayaw namang pasagot. Anong klaseng kaek-ekan 'yon? Kainis.
Humalukipkip nalang ako at sumandal sa back rest ng upuan ko. Pinikit ko ang mga mata at nagdasal na sana ay may maisagot ako sa exam. Nung midterm exam kasi no'n halos wala lahat doon 'yung nireview ko.
Napamulagat ako nang may maramdaman akong papalapit sa mukha ko. Kumabog ang puso ko nung bumungad ang gwapong mukha ni Dwight sa paningin ko. Dinakma ko ang mukha niya at tinulak palayo.
"What are you doing?" kunot ang noong tanong ko sa kaniya. Sa loob loob ko ay kinikilig ako at pinipigilan ko lang ang pagngiti.
"I'm going to give you a good luck kiss," nakangiting sabi nito.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako masanay sa pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. It was like the table has turned.
"I don't need your good luck kiss." pagtataray ko pa kunwari.
"Ako kailangan ko," biglang seryoso niyang sinabi na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
I was taken aback at what he just said. Nang makarecover ay inirapan ko siya ulit. Kaunting kaunti na lang talaga mangingiti na ako.
"Walang kiss hangga't hindi pa kita boyfriend," sabi ko.
Napanguso naman ako nang magsimula na siyang magdrive at hindi na nangulit pa. Talagang ayaw niya akong maging girlfriend, huh? Bahala siya.
Nararamdaman ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni Dwight na nagbibigay ng kiliti sa aking tiyan. Ilang saglit lang ay napapiksi ako nang bigla niyang ipatong ang kamay niya sa hita ko.
Mabilis kong inalis ang kamay niya bago pa ako makangiti ng malaki dahil sa kilig.
Naimpluwensyan kasi ako ni Aya na magbasa rin ng mga novel books. Ayon, lagi tuloy akong nagbabasa tuwing may free time. 'Yung last ko na nabasa, 'yung babaeng bida roon ay cold ang personality.
I thought it's cool so I'm trying to be cold right now to Dwight. I didn't expect that it would be this hard!
Pagkahinto sa parking lot ng school ay agad na akong bumaba. Doon na lumabas ang napakalaking ngiti ko sa labi at bahagya pang napahagikhik.

YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Roman pour AdolescentsAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...