Chapter 22

156 14 19
                                    

Chapter 22

Nakatitig ako sa bahay na ilang taon ko ring hindi nakita. I am happy to be home now. I will see my Dad and Aya. I hope they are still living here. That's what Daddy said, ang bumalik ako sa bahay na ito kapag magaling na ako. Medyo na delay nga lang.

Akala ko ay mahihirapan pa akong makapasok sa village pero pagkasabi ko pa lang ng pangalan ko ay pinapasok na agad ako.

Hawak ko ang stroller na kinalalagyan ni Gavin sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay ang maleta. Binitawan ko saglit iyon at pinindot ng dalawang beses ang doorbell.

Naghintay ako ng limang minuto pero walang lumalabas. Ang pang umagang sinag ng araw ay tumatama sa aming mga balat.

Na-stress ako bigla nang magsimulang umiyak si Gavin. Kinuha ko ito at kinarga.

"Huwag ngayon, please. Stop ka munang umiyak. Hindi pa tayo nakakapasok," pagka-usap ko sa bata habang dinuduyan duyan ko sa mga braso ko. "Mamaya ka iinom ng gatas. Stop crying, shh."

Muli kong pinindot ang doorbell pero wala pa ring nagbubukas. Masyado pa sigurong maaga kaya baka tulog pa sila. Pero hindi naman naka-lock 'yung gate, ibig sabihin mayroon nang gising.

"Excuse me." Isang baritonong boses ang narinig ko mula sa likuran ko.

Nang hinarap ko ito ay literal na huminto ang mundo ko. Nanghina ang lahat ng kalamnan ko at halos mabitawan ko pa ang batang umiiyak na nasa braso ko.

Hindi ko inexpect na makikita ko siya agad pagkauwi na pagkauwi ko ng Pilipinas. Nang makita ko siya, lahat ng sakit na naramdaman ko sa ilang taon ay parang bumalik muli at gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit. I want to tell him how hard my life has been when I left Philippines.

Dwight is standing in front of me looking so gorgeous and tall. Nakasuot siya ng jersey short, muscle top at rubber shoes. Nakakapaglaway ang nakalitaw niyang mga braso na perpekto ang mga pagkakahubog. Mukhang kagagaling lang niya sa pagja-jogging at medyo basa ng pawis 'yung damit niya sa may bandang dibdib.

His body looks so hot!

Pagkatapos pagpantasyahan ang katawan niya ay sa mukha naman niya ako tumingin. Tumama agad ang asul niyang mga mata sa sa akin. Nagmatured ang itsura niya. Lalong gumwapo.

Halo-halo na naman ang nararamdaman ko. Masaya ako na malungkot.

He looks different.

The way he look at me... Parang hindi na niya ako kilala. Napakalamig ng paraan ng pagtitig niya. Hindi man lang kakabakasan ng gulat ang mukha niya nang makita niya ako.

"Your baby is so loud. I said, excuse me." Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang muli siyang magsalita.

"Uh," Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko malaman ang gagawin kaya napausog nalang ako ng wala sa sarili. Muli kong tinuon ang paningin ko sa batang panandalian kong nakalimutan.

Dinuyan duyan ko ito ulit sa mga braso ko. Napatingin ako kay Dwight nang binuksan niya ang gate ng bahay namin at dire-diretsong pumasok sa loob.

"Wait!" habol ko bago pa siya makalayo. Iniwan lang niyang bukas ang gate pero hindi pa rin ako pumasok. Nang tumingin ito sa akin mula sa loob at magtaas ng isang kilay ay bigla akong nakaramdam ng hiya kaya napayuko nalang ako. "Ito 'yung bahay namin noon, hindi ba? Tapos 'yung sa inyo sa dulo pa?"

Hindi ito kumibo kaya tumingin ako sa kaniya ulit. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang nakatitig na naman ito pero wala namang emosyon ang mababasa sa mga mata niya.

"Uh, s-si Aya? N-nandito ba? Si Daddy?" naiilang na tanong ko.

"Natutulog pa si Aya." Pinanood ko pa kung paano nagtaas baba ang adams apple niya nang lumunok siya pakatapos magsalita.

An Eternal Flame (Completed)Where stories live. Discover now