Chapter 25
"Hire a nanny for your baby. It's hard having him around while you're working." That's not a suggestion. It's a demand.
From Dwight.
"Where is Aya?" I asked instead.
"She's out on a date."
Tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy kumain.
Hindi ko alam na masarap pala itong magluto. Tahimik lang siya at hindi ko maiwasan ang pagtingin sa kaniya maya't maya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako doon sa picture namin na nakita ko sa kwarto niya. Bakit nakadisplay iyon doon habang sila ni Erica?
Dahil naiilang na sa katahimikan, hindi ko na napigilan pa ang magsalita.
"You're in a relationship with Erica, right? Niligawan mo siya noong umalis ako."
Napahinto ito sa pagsubo at tumingin sa akin na nakakunot ang noo. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko na naman mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa sobrang nakakaintimidate na paraan niya ng pagtingin.
Narinig ko ang nakakainsulto niyang pagtawa. "What is it to you, huh?"
Nag-init ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Ano nga naman sa akin iyon? Wala dapat akong pakialam roon.
"Nevermind," sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"If you don't want to hire your baby a nanny then I will—"
"I'm done eating." Pinutol ko ang sasabihin niya dahil wala rin dapat siyang pakialam doon. Kung makapagsalita ito, akala mo ay talagang may paki siya. At saka, kung gusto kong ikuha ng yaya si Gav, e 'di sana ginawa ko na noon pa at hindi ko na siya sinasama pa noong nag-aapply pa lang ako sa kung saan saang salon.
Tumayo ako at pumuntang kusina para makakuha ng baso. Binuksan ko ang fridge at kumuha ng tubig.
Habang umiinom ako ay nakita kong papalapit na si Dwight sa akin. Binaba ko ang baso at balak nang umalis roon kaso ay tuluyan na itong nakalapit. Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng kiliti sa loob ng tiyan nang hawakan niya ang baywang ko. Dumoble pa ang laki ng mga mata ko nang yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin hanggang sa magkadikit na ang mga labi namin.
Kita ko ang pagsarado ng mga mata nito pagkatapos ay naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa akin.
Hindi ako nakagalaw sa gulat. Nanlalaki lang ang mga mata ko habang nakapikit ito na hinahalikan ako. Kahit ang itulak siya palayo ay hindi ko nagawa.
Hinayaan ko lang iyon at dinamdam ang napakabilis na tibok ng puso ko.
What the hell is running in his head!?!? What the hell is he thinking?!? Why is he kissing me?!
Tulala lang ako sa kaniya nang tumigil siya. Kaunti lang ang pagitan ng mukha namin at ramdam ko ang init ng mabango niyang hiniga sa ilong ko. Ang maiinit niyang palad ay nasa baywang ko pa rin.
"D-Dwight... y-you kissed m-me, r-right?" utal na tanong ko at hindi parin makapaniwala.
"Don't cut me off again, Aimi," mahina ngunit mariin nitong sabi.
Binitiwan niya ako at umalis na. Muntik pa akong matumba dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
Bumalik ako sa dining at umupo roon. Namalayan ko na lang na gumuhit na pala ang malaking ngiti sa labi ko.
Dwight kissed me!
Damn it! I should be angry at him for doing that!
Baka hindi talaga sila ni Erica. Kasi, bakit naman niya ako hahalikan kung may girlfriend siya, 'di ba?
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Fiksi RemajaAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
