Chapter 30
I was right.
Pagkagising ko ay wala na nga akong katabi. Kanina ay pigil na pigil ko ang sarili ko na hindi makatulong pero hinatak ako ng kaantukan dahil sa sarap ng feeling na nakayakap si Dwight sa akin at nakayakap ako sa kaniya.
Mabigat ang pakiramdam kong tumayo at nag-unat. Nang tignan ko and orasan sa dingding ay lagpas alas diyes na ng umaga.
Bumuntonghininga ako at pumasok sa banyo para makapaghilamos at nung matapos ay bumaba na ako para pumunta sa kusina. Tahimik ang buong bahay at wala akong nakikitang Gavin kaya pala malungkot. Dumiretso ako sa fridge para kumuha ng tubig pero may nakita akong note doon.
Kinuha ko iyon at napangiti ng sobrang tamis nang makita kung sino ang nagsulat noon. Halatang bagong kakasulat lang nito.
I have to go in my office to work on something, Aimi. Don't think of anything. We'll talk later. A serious one.
-Dwight
Binukas ko ang fridge at kumuha ng inumin. Pagkatapos kong uminom ay umakyat ako sa taas para katukin ang pinto ni Aya.
I want to see my Gav. Hindi makukumpleto ang araw ko nang hindi nakikita ang kapatid.
Kumatok ako pero walang sumagot at mukhang walang tao. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone para i-text siya pero mayroon na siyang text doon.
Aya:
Dumating si Ate Shane at ako na ang sumama sa kaniyang igala si baby Gavin. You should tell me later what happened to you and Kuya Max. I went to your room earlier to give Gav back to you but I saw you two hugging each other! Thank me later 'coz I didn't disturb you.
Napanguso ako at umupo sa gilid ng kama ko. Tinignan ko ang notes na iniwan ni Dwight na hindi ko na mabitawan. Ilang ulit ko pang binasa iyon at hindi ko na namalayan ang malaking ngiti sa labi ko.
Parang tanga lang kasi kinikilig ako kahit na kinakabahan kung ano ba ang seryosong pag-uusapan namin.
Dahil ako lang mag-isa sa bahay ay napagdesisyonan kong maligo nalang kahit pa nagdadalawang isip ako, ayaw ko pa kasing mawala ang amoy ni Dwight sa akin.
Nang matapos maligo ay walang alinlangan na pumasok ako sa kwarto ni Aya na hindi naman nakalock. Tumingin ako sa mga bago niyang novel books na hindi ko pa nababasa. Kumuha ako ng isa bago bumaba bitbit ang cellphone at earphone.
Pagkababa ay nagtimpla ako ng kape at pumwesto na sa sala.
I was in the intense part of the story so I decided to pause the song I was playing to feel it. I was reading peacefully when the door opened. I thought it was Aya, Shane, and Gavin but I saw Larina with a tall man.
Parehong napatingin sila sa akin. Nakilala ko bilang Dad ni Dwight ang lalaki dahil pareho ang kulay ng mga mata nila. Mukha pa itong bata at hindi mo aakalain na kasing edad lang ng anak niya ang aasawahin niya.
Nangunot ang noo ng foreigner habang si Larina ay walang pakeng nakatingin sa akin.
Malamang wala na siyang paki. Iyong daddy kasi ng dati niyang crush ay daddy niya na rin. May kasama nga lang na asukal. Sugar daddy.
Palihim akong natawa sa isip ko. Mukhang nasa mood talaga ako ngayon dahil kay Dwight.
Tumayo ako at nginitian sila. "Dwight isn't here. Do you want something to drink or eat?"
YOU ARE READING
An Eternal Flame (Completed)
Teen FictionAimi Yajima doesn't care about Dwight Maximus Walterson's attitude toward her. She just did nothing but ignore it and continue to bother him. Never in her life has she had a crush like that to a guy. That's why whatever he does is just okay with her...
