"You will be living with them."
"Ano!?" gulat na sambit ni Ayumi nang marinig ang sinabi ng Attorney ng kanilang pamilya.
Muli siyang napatingin sa litratong hawak niya na binigay nito.
May anim na lalaki roon. Lahat sila ay hindi nakangiti para bang hindi nila alam kung paano ngumiti.
Maliban sa isa na kulay itim ang buhok at may kulay abo sa dulo ng buhok nito. May naglalarong ngisi sa labi nito at tila pilyo ito.
"Pero, Attorney—"
"'Yan ang nakasulat sa last will ng ama mo, Ms. Ayumi" pagputol nito sa gusto niyang sabihin.
Kakatapos lang ng libing ng mga magulang niya matapos mamatay ng mga ito sa isang aksidente na hindi ipinaalam sa kanya.
Nasa malayo din siya habang inililibing ang mga magulang niya dahil hindi siya pinayagan ng Attorney na makalapit.
Walang sinuman ang nagpaliwanag sa kanya sa totoong nangyari sa mga magulang niya, kaya labis-labis ang sakit na nararamdaman niya.
Hindi ganoon kakilala ang pamilya nila. May iilan din na mataas ang tingin sa magulang niya dahil sa posisyon ng mga ito.
At ngayong patay na ang mga ito, lahat ay mawawala na.
Hindi niya naranasan na mabuhay ng normal. Lagi lang siyang nakatago sa dilim.
Walang nakakaalam na mayroong anak ang magulang niya, maliban sa attorney nila, ang pinagkakatiwalaang attorney ng kanyang magulang.
"Your father's company are already sold. Everything has been sold to someone" ani nito.
Napaangat siya ng ulo dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...