CHAPTER 34

468 18 0
                                    

Matapos ubusin nina Ayumi ang kalaban nila ay nagpatuloy sila sa pagtakbo.




Hindi niya pa rin ginagamit ang totoong kakayahan niya dahil hindi naman kailangan kaya hangga't maaari ay ang espada ni Sayaka ang ginagamit niya.




"Malapit na tayo, Lady Celeste" ani Sayaka na siyang malapit sa kanya.




"Maghanda kayo!" may kalakasang turan niya sa lahat.




Pinaliit niya ang mga mata niya upang mas makita ang tinatahak nila.




Kapwa nanlaki ang mga mata niya at huli na para magbigay siya ng babala dahil isang malakas na pwersa ang sumalubong sa kanila dahilan upang tumalsik silang lahat.




Napaigik siya habang nakahiga lupa at iniinda ang pagtama ng likuran niya.




Unti-unti siyang bumangon at ganoon din ang mga kasama niya.




Napaubo siya at nang unti-unting mawala ang usok na nagmula sa atakeng iyon ay nakita niya ang iba pa niyang kasama na naghati ng grupo.




Nakita niya si Minerva na tinutulungang makabangon ng mga kasama nito.




Tinignan niya pa ang iba at lahat ay napabagsak sa nangyaring pag-atake.




"Ayumi! Are you okay?"




Napatingin siya kay Primus na may mga galos tulad niya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.




Tinulungan siya nitong makabangon at mabilis tinignan ang mukha niya na nagkaroon ng galos mula sa tumalsik na bagay.




Kitang-kita niya ang emosyon sa mukha nito.




"I'm okay, Primus" paninigurado niya rito.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon