CHAPTER 37

483 18 0
                                    

Nakayuko si Primus habang hawak ng dalawa niyang kamay ang kamay ni Ayumi na isang linggo nang nakaratay sa kama nito.




Matapos ng nagyaring digmaan na siyang tinapos nito ay hindi na ito nagising pa.




Maging si Minerva ay walang magawa upang magising ito.




Hindi siya kumibo nang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Ayumi sa mansyon nila.




Bumukas ang pinto at hindi niya nilingon kung sino iyon.




"Primus..." pagtawag nito sa kanya.




Hindi siya nagsalita nang marinig ang pagtawas sa kanya ng kapatid niyang si Vimous.




Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at lumapit sa kanya. Naramdaman niya na pumatong ang kamay nito sa balikat niya.




"Narito ang apat na prinsipe" anunsyo nito sa kanya.




Ilang saglit siyang nanahimik bago nagbuntong hininga at nag-angat ng tingin.




Ni hindi niya alam kung nakakatulog pa ba siya ng maayos sa loob ng isang linggo. Ayaw niya kasing lubayan si Ayumi kahit na saglit pa.




"Susunod ako..." tanging sagot niya.




Hindi naman ito kumibo hanggang sa umalis ito.




Tumingin siya sa maamong mukha ni Ayumi at marahang hinaplos ang pisngi nito.




"Please, wake up. Wake up, Ayumi. Please" ani niya.




Tulad ng dati ay walang nangyari sa pakiusap niya.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon