Halos malula si Ayumi sa taas ng gate na nasa harapan niya ngayon kung saan siya hinatid ng taxi na sinakyan niya.
"Carson Mansion" mahinang basa niya sa lettering na nasa tuktok ng gate.
Hila-hila ang maleta ay nagtungo siya sa gate kung nasaan ang doorbell.
Ang weird naman ng gate na 'to. Anang isang bahagi ng isip niya.
Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakakita na ang doorbell ay nasa gate mismo.
Iniangat niya ang kamay niya at pinindot ang button ng doorbell ngunit agad rin niya naialis ang daliri niya doon dahil naramdaman niya na may tila tumusok sa daliri niya.
Nang tignan niya ang daliri niya ay dumudugo iyon.
Mabilis na kinuha niya ang panyo na nasa sling bag na bitbit niya at pinunasan iyon.
Bigla siyang napatigil nang makarinig siya ng tunog at nanggagaling iyon sa gate na unti-unting bumubukas.
"Huh? Wala namang tao" ani niya habang tumitingin-tingin sa paligid.
Pinagkibit-balikat niya nalang iyon at tumuloy sa loob.
Bumungad sa kanya ang malawak na hardin lalong-lalo na ang masasabi talagang mansion na ilang metro ang layo sa kanya.
This is really a mansion. Anang isang bahagi ng isip niya.
Nang makarating siya sa pinto ng nasabing mansion ay handa na sana siyang kumatok nang unti-unti iyong bumukas.
High tech ata ang bahay ma 'to, eh. Naituran niya nalang sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...