Naalimpungatan si Ayumi nang tila maramdaman niya ang mainit na bagay sa palapulsuhan niya na nasamahan ng malapot na tubig.
Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at agad siyang napabalikwas nang makita si Primus.
Napahawak siya sa palapulsuhan niyang dinidilaan nito kani-kanina lang ngunit isang ngisi ang lumitaw sa labi nito.
"You're so damn lucky that we didn't take your blood yesterday" ani nito habang nakangisi. "We don't have a choice but to hunt and drink their blood."
"What do you mean by 'their blood'?" tanong niya rito habang nakatingin sa mga mata nito.
Mas lumaki ang ngisi nito at sa isang kisap mata ay nasa harapan na niya ito habang bawak ang baba niya.
"Didn't I tell you that I'm not that ruthless?" ani nito.
Hindi siya nakapagsalita kaya muli itong nagpatuloy.
"We already used to drink animals blood but it's far different from a human blood" saad nito.
"Primus..." bigkas niya sa pangalan nito nang dampian nito ng halik ang balikat niya.
"I badly want to taste your blood. You're our blood bank though, but why can't we just drink your blood?" ani nito.
"Maybe because all of you are not that ruthless" sagot niya.
"You can't say that" ani nito at tumayo. "Get up. It's time for you to eat."
Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya dahil agad na itong nawala sa kwarto niya.
Napabuga siya ng hangin at nakapikit na napasandal sa headboard ng kama niya.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...