CHAPTER 19

620 27 0
                                    

Malaki ang ngiti sa labi ni Primus habang pinagmamasdan si Ayumi na abala sa pagkain.




Seeing her eating, makes me want to eat her too. Anang isang bahagi ng isip niya.




Inilapag nito ang hawak nitong kutsara at humarap sa kanya.




"Stop staring at me" ani nito.




"Why not?"




"Naiilang ako sa titig mo" saad nito.




"Bakit? Ano ba ang naiisip mo habang nakatitig ako sa 'yo?" nakangising tanong niya rito.




Nakita niya ang pagpula ng mga pisngi nito at natutuwa siya sa tuwing nakikita niya itong ganoon.




Malalim itong nagbuntong hininga na tila sumusuko na.




"Hay nako! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo" ani nito.




Tumawa lang siya habang ito naman ay nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ito ay hinugasan nito ang mga ginamit nito.




"May balak ka bang sundan ako ng sundan?" kalaunan ay tanong nito habang nasa kalagitnaan ng hagdan.




"I just want to take care of you" ani niya.




Muli itong nagbuntong hininga. "Bahala ka nga."




Nakangiting sinundan niya ito hanggang sa kwarto nito. Nakasandal lang siya sa hamba ng nakabukas na pinto.




"Are you going to shower?" tanong niya rito.




"Yeah" sagot nito na sinamahan pa ng pagtango.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon