CHAPTER 27

600 18 0
                                    

Muling nakabalik sa school si Ayumi matapos siyang mawala.




Hindi na siya nagtataka kung bakit nagbubulungan ang mga estudyante na nadadaanan niya.




"Ayumi..."




Napatigil siya at napalingon sa tumawag sa kanya.




Napangiti siya nang makitang si Vieran iyon habang kasama si Alaric.




"Vieran. Alaric" bigkas niya sa pangalan ng mga ito.




"Kamusta ka na?" tanong sa kanya ni Alaric.




"Eto at ayos lang. Kayo ba? May naitulong ba ang dugo ko?" balik tanong niya sas mga ito.




Nagtinginan ang dalawa bago muling nagharap sa kanya.




"About that, is it okay if we met in the rooftop? Athan wants to talk to you about that" ani Alaric.




"Please, come with us, Ayumi" ani naman ni Vieran.




Bahagya siyang natawa sa itsura ni Vieran.




"Sige. Anong oras ba?" saad niya.




"Are you free today?" ani Alaric.




Tumango siya rito dahil wala naman siyang klase.




"Then let's go" anyaya nito.




Hindi na siya nagtaka nang hawakan siya ng dalawa at sa isang iglap ay nasa rooftop na sila.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon