"Excuse me..."
Nagpaalam si Primus kina Leech na tumango sa kanya.
Kasalukuyan silang nasa malaking hardin ng malaking mansyon ng mga Saenz.
Lahat ng bampira ay imbitado sa gaganaping koronasyon para sa bagong pinuno ng mga bampira.
Maging ang mga kaharian at ilan pang nilalang na maganda ang relasyon sa mga Saenz ay imbitado kaya napakaraming bisita.
Mabuti na lamang at malaki ang hardin ng mga Saenz na kinaya silang lahat.
Sang-ayon ang lahat sa pagiging pinuno niya dahil tiwala ang mga ito sa magiging ganap sa buong pamahalaan ng mga bampira.
"Where is she?" naituran niya nalang habang hinahagilap niya si Ayumi.
Nakita nila ito kanina sa kwarto nito ngunit matapos n'yon ay inasikaso nila ang mga dadalo.
Pumasok siya sa mansyon at napakatahimik roon lalo na at ang mga bantay at ilang katiwala ang naroon na abala sa pag-aasikaso.
"Saan naman kaya siya namamalagi ngayon?" muling naituran niya sa hangin.
Nagpasya siyang akyatin ang mahabang hagdan ng mansyon ng mga Saenz at napakatahimik ng lugar.
Yumuyuko sa kanya ang mga nakakasalubong niya dahil alam na naman ng lahat na isa silang mga royal vampires at ang mga naiwang anak ng anim na makasaysayang royal couple.
Sa mansyon nilang Gualtiermo ay si Vimous ang namamahala. Wala naman siyang interes doon lalo na at nakatuon ang atensyon niya kay Ayumi.
Sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay napatigil siya nang makita ang isang bulto ng babaeng nakatayo sa harap ng malaking litrato ng mag-asawang Saenz.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...