Naging abala si Ayumi sa nakalipas na dalawang lingo dahil na rin sa siya ang ipapalit na mamumuno sa buong bampira.
"Lady Celeste..."
Napalingon siya sa likuran niya nang marinig na may tumawag sa kanya.
Napangiti siya nang makita ang bawat estudyante ng Vamp Academy.
"May kailangan ba kayo?" tanong niya sa mga ito.
"Pinabibigay po ni Lord Primus" ani ng mga ito.
Nang tanggapin niya ang isang bulaklak na inaabot ng mga ito ay mabilis na umalis ang mga ito.
Napatagilid ang ulo niya.
"Weird" turan niya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Dahil inaayos pa ang pagtransfer ni Leraia bilang bagong principal ng Vamp Academy ay siya muna ang kasalukuyang nag-aasikaso ng buong school.
Hindi na siya pumapasok sa klase niya dahil wala na namang rason para pumasok pa siya lalo na at magiging abala siya sa susunod na mga araw.
"Ayumi..."
Napalingon siya kay Sayaka na sinuway niya nang tawagin siya nito lagi na may respeto.
"Hey!" nakangiting bati niya rito.
"Tapos na ang klase ko, may gagawin ka pa ba? Baka may maitulong ako" ani nito habang nakangiti.
Nakahanap sila kaagad ng mga guro na papalit sa mga gurong may masamang intensyon sa eskwelahan.
"Hindi na kailangan. Saglit nalang din naman ay matatapos na ako" nakangiting turan.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
مصاص دماءIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...