CHAPTER 23

587 19 0
                                    

"Why should we do now?"




Tahimik lang si Primus sa gilid habang nakasandal sa batong dingding sa loob ng mansyon.




Kauuwi lang din nila galing school at maging roon ay walang Ayumi na nagpapakita.




Magtatatlong araw na nang bigla nalang mawala si Ayumi nang gabing magpaalam ito na magpapahangin.




Did she runaway? Tatlong salitang pumasok sa isip niya.




"We need to do something about Ayumi's disappearance" ani Vampher.




"No one is with her before she disappears aside from Primus" ani naman ni Hachlet.




Nasa sala silang magkakapatid at nag-uusap tungkol sa kung paano nila mahahanap si Ayumi.




Maging si Sayaka, na siyang kasama nila ngayon, ay walang ideya kung nasaan ito.




"Wala ba siyang ibang kinikilos before siya mawala?" seryosong tanong ni Sayaka.




Kahit na hindi nito ipahalata ay alam nila na nag-aalala ito. Hindi naman ito pupunta sa mansyon nila kung hindi ito nag-aalala.




"Primus..." pagtawag sa kanya ni Khayman.




Nakayuko ang ulo niya at madilim ang mukha. Wala siya sa mood na makipag-usap.




"We were asking you Primus. Paano natin malalaman kung nasaan siya kung hindi ka magsasalita?" ani muli ni Khayman.




"Just speak up, stupid twin" asik ni Vimous.




Napakuyom siya at mabilis iyong pinatama sa dingding dahilan para bumakat ang kamao niya at magkaroon ng bitak.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon