CHAPTER 15

704 21 0
                                    

Palihim na napalunok si Ayumi nang makita ang magkakapatid na Carson sa harapan niya.




"Ang aga mo ata, Ayumi" nakangising turan ni Vampher.




Hindi siya nakapagsalita at sinubukang ikalma ang sarili.




"Ms. Adler..."




Napatingin siya kay Khayman dahil sa kaseryosohan ng boses nito nang bigkasin nito ang apilyedo ng kasama niya.




Tumingin siya kay Leraia at nakangiti ito. "We met again, Mr. Carson."




Siya ba ang sinasabi ni Leraia kanina? Tanong na nabuo sa kanyang isipan niya.




"Wait!" pag-angat niya sa mga ito nang mag-umpisang maglakad ang mga ito.




"What?" ani Primus na masama ang timpla ng mukha.




Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "I won't be home for tonight."




Kapwa nagseryoso ang mukha ng anim at lahat ng mga mata nito ay nakatingin sa kanya.




I feel like they're stabbing me. Anang isang bahagi ng isip niya.




"Don't pressure her, Carsons" ani Leraia.




Nawala ang tensyon ng tingin ng mga ito sa kanya.




Good thing Leraia is with me. Kung ako lang ang kumausap sa kanila malamang na masisira ang plano. Anang isang bahagi ng isip niya.




"What's this, Ms. Adler?" seryosong tanong ni Khayman sa katabi niya.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon