Sa sandaling magising si Ayumi ay sumalubong sa kanya ang putting kisame ng kwarto niya.
Tinignan niya ang paligid niya at wala siyang nakita ni isa sa magkakapatid.
Unti-unti siyang bumangon at napaigik siya dahil sa sakit na naramdaman niya.
"What time is it?" naituran niya nalang.
Hinanap ng mata niya ang orasan sa kwarto niya at nakita niyang alas dose palang ng tanghali.
Napahawak siya sa ulo niya dahil bigla siyang nahilo.
"Ano ba ang nangyari?" tanong niya sa sarili.
Hindi niya maalala kung ano ang nangyari basta ang naalala niya nalang ay ang mga pinagsasabi ni Mari sa magkakapatid.
Simula noon ay wala na siyang naalala pa.
"What the hell did happened?" anang niya sa sarili.
Tuluyan siyang bumangon sa higaan niya at lumabas ng kwarto niya.
Nakaramdam siya ng pagkauhaw at gusto niyang uminom ng tubig.
Napakatahimik ng mansyon ng mga Carson at hindi siya sanay lalo na at malaki ang bahay ng mga ito.
Nang makarating siya sa kusina ay mabilis niyang hinanap ang tubig.
Nang makainom ay tila napawi ang pagkauhaw niya.
"You're finally awake."
Napapitlag siya at napalingon sa likuran niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/290370250-288-k10560.jpg)
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampiroIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...