Palihim na nagsasagawa ng esearh si Ayumi tungkol sa mga bagay na dapat niyang malaman lalo na tungkol sa kanyang mga magulang.
"Class dismiss."
Inayos niya ang mga gamit niya at nagtungo sa susunod niyang klase.
Pagkadating niya roon ay may mga kaklase na siyang naroon. Katulad pa rin ng dati ay ang tahimik ng mga ito.
Sa mismong pag-upo niya ay napansin niya na tila kapwa niya mga tao ang naroon.
Hindi kasi hiwalay ang klase ng mga tao at bampira.
Tinignan niya ang papel na may schedule niya at doon niya nakita na ang subjet nila ay para lamang sa mga tao.
Naitago niya ang papel na hawak niya nang pumasok ang teacher nila.
"Pass these papers one by one" turan kaagad ng teacher nila.
Nagtatakang tinignan niya ang papel na hawak at binaliktad iyon ngunit walang nakasulat doon.
Maya-maya pa ay napasinghap ang lahat nang unti-unting nagkaroon ng mga sulat ang papel.
It's a test. Anang isang bahagi ng isip niya.
"As what you all see, we will have a brief test and don't dare to look at your seatmate's test paper because all of you have different questions in the test. We will see if you literally listen on what I've teach. So, let's start" ani ng teacher nila.
Muli niyang tinignan ang mga tanong at hindi iyon tungkol sa mga tao, tungkol iyon sa mga bampira na itinuro nito ng mga nakalipas na araw.
Napatingin siya sa teacher nila na prenteng nakaupo at nakangiti pa.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampiroIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...