CHAPTER 25

582 18 0
                                    

Tahimik lang si Ayumi habang nakaupo sa pang-isahang sopa.




Nakaupo naman sa dalawang pahabang sopa sina Athan, Alaric, Vieran at Lazarus.




"Hindi ba kayo nakakahalata na napapansin na ng magkakapatid na hindi man lang ako pumapasok at maging kayo? Knowing Leech and Khayman, they will know it" ani niya.




"Kailangan ka namin, Ayumi. Posibleng ikaw ang makatulong sa amin" ani Alaric.




"So wala kayong kasiguraduhan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ito.




Nagbuntong hininga si Lazarus bago nagsalita.




"You can probably help us, Ayumi. Your strength is incredible. A simple human like you can't do that" ani nito.




Napabuga nalang siya ng hangin dahil sa kakapaliwanag kung bakit niya nagagawa iyon.




"Then, what can I do?" tanong niya sa mga ito.




Nagkatinginan ang magkakapatid at tumingin sa kanya.




"We need to drink your blood" ani Alaric.




Napapansin niya na si Alaric ang mas kalmado sa magkakapatid.




"We just need to drink it and we will know if you can help us or not" nakangiting turan ni Vieran.




Hindi siya kumibo at sinalubong ang tingin ng mga ito hanggang sa napabuntong hininga siya.




"Fine" sagot niya.




Tila hindi naman makapaniwala ang magkakapatid. Maging si Athan ay nagkaroon ng emosyon dahil sa sinabi niya.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon