CHAPTER 39

536 17 0
                                    

Sa pagmulat palang ni Ayumi ng mga mata niya ay sumalubong sa kanya ang mga pamilyar na mukha.




Nilibot niya ang tingin at dumako iyon sa kanyang mga magulang na kapwa nakangiti sa kanya.




"Masaya kami at nagising ka na rin" ani ng kanyang ina.




Sinubukan niyang bumangon at inalalayan siya kaagad ng kanyang magulang.




Nang makaupo ay biglang napadako ang tingin niya kay Primus na nakayuko at nakangiting tinatapik ng katabi nito ang balikat nito.




Napadako din ang tingin ng magulang niya sa tinitignan niya at kalaunan ay napangiti.




"Nakalimutan ko na kailangan pa pala nating makausap sina Hera" ani ng ina niya kaya napalingon siya rito.




Ngumiti lang ang mga nakapalibot sa kanya saka nagsitango.




Sinama ng mga ito ang mga anak nito hanggang sa naiwan silang dalawa ni Primus.




"Primus..." bigkas niya sa pangalan nito.




Nakatayo pa rin ito sa tinatayuan nito habang nakayuko at nakakuyom ang mga kamao.




Bahagya siyang ngumiti bago muling nagsalita.




"Pinag-alala ba kita? Sorry" ani niya.




Nakita niya ang pagyugyog ng mga balikat nito.




"Idiot" mahinang turan nito na narinig niya naman.




Bahagya siyang natawa at itinaas sa magkabilang gilid ang kamay niya.




"Wanna hug?" nakangiting turan niya.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon