CHAPTER 24

568 19 0
                                    

Hindi makapagpokus si Primus sa paglalaro nila ng baseball dahil sumasaksak sa isip niya si Ayumi.




"Primus! Focus!" sigaw ng teacher nila sa kanya.




Sa pangatlong pagkakataon ay natamaan muli ang bola na binato niya.




Umalis siya sa pwesto ng mga pitcher at naupo sa bench saka uminom ng tubig.




"Wala ka ata sa mood ngayon" ani ng isa sa mga kaklase niya.




"It's nothing" tanging sagot niya rito.




Magsasalita na sana ito nang makita niya si Vamoher at Hachlet na nakatingin sa kanya.




Napabuntong hininga siya at pumunta sa teacher nila. Nagpaalam siya rito at agad naman siyang pinayagan.




"Anong kailangan niyo?" bungad niya sa mga ito nang matungo ang pwesto ng mga ito.




"Nothing. Wala kasi kaming klase" pagdadahilan ni Vampher.




"Tsk! Leave here and just do something. You're distracting my class" bagot na turan niya.




"Eeh?! We came here just to see you play, but seems like you're off to game" nakangising turan ni Vampher.




"Shut up" may babalang turan niya habang tinitignan ito ng masama.




Tumawa lang ito na tila hindi sineseryoso ang sinabi niya.




"Is this about Ayumi?" pagsingit ni Hachlet sa kanila.




Umiwas siya ng tingin at hindi nagsalita. Napuntohan naman nito ang dahilan kung bakit wala siya sa sarili niya para maglaro.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon