Nakatingin lang si Primus at ang iba pa kay Sayaka na nasa bisig ng mag-asawang Saenz.
"Patawad sa aking kahinaan. Hindi ko nagawa ang aking tungkulin" paulit-ulit na turan nito.
"Wala kang dapat na ihingi ng tawad, Sayaka. Masaya kami na walang nangyari sa iyo. Para ka na rin namin anak kaya hindi namin kakayanin kung maging ikaw ay malalagay sa alanganin" ani ni Shesmu.
"Ngunit si Lady Celeste..." hindi na matuloy na turan ni Sayaka.
Pinaharap ni Marceline si Sayaka rito at pinahid ang pisngi nito na puno ng luha.
"Wala kang dapat na ipag-alala. Kami na ang bahala sa kanya" ani nito habang nakangiti.
Napayuko ito at pilit na kinalma ang sarili.
Napatingin siya kay Vimous na nasa tabi niya. Tulala ito habang nakatingin sa unahan nila.
Nang tignan niya ang tinitignan nito ay natigilan din siya.
Tila kumabog ang dibdib niya at hindi malaman kung maniniwala siya sa nakikita niya.
Nakangiti ang mga ito sa kanila ni Vimous.
"Kay laki niyo na, Vimous, Primus" ani ng kanilang ina.
"Hindi namin akalain na muli namin kayong masisilayan matapos ang ilang taon' ani naman ng kanilang ina.
Hindi na sila nagsayang pa ng oras at tinakbo ang pagitan nilang apat.
Napapikit siya at tumulo ang luha mula sa mga mata niya nang maramdaman ang yakap ng mga ito.
"Ang sarap sa pakiramdam na nasa inyong mga bisig" ani Vimous na lumuluha na rin.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...