CHAPTER 12

719 23 0
                                    

"Let me go."




Napatingin si Ayumi kay Sayaka dahil sa lamig ng boses nito.




Nagsalit-salit ang tingin niya rito at kay Primus na siyang may hawak sa pulso nito nang pigilan siya nito.




Ilang saglit na matatalim na tingin ang ibinigay ng dalawa sa isa't isa bago tuluyang binitawan ni Primus ang pulso nito.




"Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Primus kay Sayaka.




"And who are you para sabihin ko sa 'yo kung saan kami pupunta?" balik tanong ni Sayaka rito.




"We own her."




"No."




"Yes."




"I said no."




"Sandali!" singit niya sa dalawa.




Napatingin tuloy ang dalawa sa kanya dahil may kalakasan ang naging tono ng boses niya.




Humarap siya kay Primus at tinanong ito. "May kailangan ba kayo sa akin?"




Tumango ito sa kaya. "Yeah. The others are already waiting for you. This is important, Ayumi."




Dama niya ang kaseryosohan sa boses nito at alam niya na mahalaga ang pag-uusapan nila.




Huminga siya ng malalim at tumingin kay Sayaka.




"Can we go next time?" diretsahang tanong niya rito.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon