Sa pagtungtong palang ng paa ni Ayumi sa stage ay ramdam niya na ang presensiya ni Mari na nasa stage na at nakangisi sa kanya.
Napakalaki ng stage at nababahala siya sa mangyayari.
Huminga siya ng malalim at hinarap si Mari na ilang metro ang layo sa kanya.
"And now, our last duel. Let the fight begin!" malakas na turan ng namamahala ng exam kasabay ng sigaw ng mga nanonood.
Nanlaki ang mga mata niya nang mabilis na umatake si Mari sa kanya. Lumabas rin ang pagiging bampira nito.
Mabuti nalang at naging mabilis ang pagkilos niya dahil iniwasan niya ang atake nito.
Patuloy sa pagsasalita ang namamahala ng exam sa laban nila.
Humarap sa kanya si Mari at nanlilisik ang mga mata nito.
Kitang-kita niya ang mga pangil nito maging ang matutulis nitong kuko na muntik nang pumahamak sa kanya.
Focus. Be focus, Ayumi. Observe her movements. Anang isang bahagi ng isip niya.
Muli itong sumugod sa kanya at mabibilis ang galaw nito. Hindi na iyon bago sa kanya lalo na at bampira ito.
Mahina ang boses na naririnig niya mula sa namamahala ng exam dahil inoobserbahan niya si Mari.
Napaigik siya nang tumama ang kuko nito sa balikat niya.
Hinawakan niya iyon at tila naging tahimik ang mga nanonood.
"I want her blood."
"Her blood smell so good."
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...