Abala si Ayumi sa paggawa ng assignment niya nang maramdaman niya ang pagpulupot ng braso sa baywang niya.
Nilingon niya si Primus na siyang nagpulupot ng braso nito sa baywang niya.
"Bakit?" malumanay na tanong niya rito.
"Hindi ka pa ba tapos?" tanong nito sa kanya.
"Malapit na. May kailangan ka ba?" balik tanong niya rito.
Matapos niya kasing mananghalian ay bigla nalang itong sumulpot sa kwarto niya.
Wala silang pasok kaya nanatili siya sa mansyon ng magkakapatid.
"You know what I want" tila tamad na sagot nito.
Nanatiling nakapulupot ang braso nito sa baywang niya habang nakadapa sa kama niya.
Sa kama niya kasi napiling gumawa ng assignment niya habang nakasandal sa headboard ng kama.
"Nauuhaw ka na ba talaga?" muling tanong niya rito.
Nagbuntong hininga ito. "Just finish it already."
Napangiti nalang siya dahil sa ginagawa nito. Hindi niya alam pero parang naging clingy ito sa kanya.
Pinagpatuloy niya nalang ang ginagawa niya at hinayaan ito sa pagyakap sa kanya.
"Nasaan na nga pala sila Leech?" tanong niya rito.
"Malamang nasa kwarto niya lang 'yon" sagot nito sa kanya.
"Hindi ko rin napapansin si Khayman rito. Wala namang pasok sa school kaya nakakapagtaka na wala ito" saad niya pa.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...