CHAPTER 13

703 24 0
                                    

Tahimik na tinatahak ni Ayumi ang madilim na pasilyo ng mansyon ng mga Carson.




Simula nang araw na iyon ay muli siyang hindi kinibo ni Primus maging nang iba.




Hindi na rin siya gumagawa ng paraan para makausap ang mga ito dahil importante na malaman niya ang bagay na dapat niyang malaman.




"Is this his room?" naituran niya habang nasa tapat ng isang pinto.




Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok.




"Come in" ani ng nasa loob.




Tulad ng sinabi nito ay pumasok siya sa loob. Bumungad sa kanya ang malaking kama nito na siyang unang makikita.




"What do you want?" ani Khayman sa seryosong boses.




Hindi siya nagsalita at tuluyang pumasok sa kwarto nito.




Abala ito sa tila ginagawa nitong eksperimento. Una palang ay pansin niya na na may ginagawa itong eksperimento.




"Nakaabala ba 'ko?" tanong niya rito.




"Nope" mabilis na sagot nito.




Hindi ito tumitingin sa kanya at abala lang sa ginagawa nito.




Maya-maya pa ay narinig niya ang pagbuntong hininga ito at tuluyang humarap sa kanya.




"What do you want at this hour?" tanong nito sa kanya.




Hindi na siya nagdalawang isip na magsalita pa lalo na at nandoon na siya.




"May gusto lang akong malaman" panimula niya.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon