"This exam is to know what is your ability. The owner of this school, which is the Saenz that suddenly died, create this exam. No one can say no, understood?"
Tumingin si Ayumi sa magkakapatid na mga prenteng nakaupo habang nagsasalita ang nasa harapan nila.
"Maybe some of you already know about this exam, so we will start right away" ani muli ng nasa unahan.
Napabuntong hininga siya ng malalim dahil sa mga nangyayari.
Walang nabanggit sa kanya si Primus o maski isa sa magkakapatid na may ganap na ganoon na nangyayari sa shool nila.
Habang patagal ng patagal ay parami ng parami ang mga pagdududa niya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo."
Napatingin siya kay Sayaka na siyang nasa unahan niya nang magsalita ito.
Patuloy pa rin na nagsasalita ang nasa unahan ngunit balewala iyon kay Sayaka dahil talagang nakahara ito sa kanya.
"Ah! Hindi naman" sagot niya nalang.
"Okay, students. We will announce the duel" ani ng nasa unahan.
Napatingin sila sa malaking screen at nagsimulang lumabas ang mga litrato nila na tila nira-rumble.
"This is gonna be exciting" ani Sayaka kaya napalingon siya ito.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang rito habang nakangiti ito.
Napakurap siya nang marinig ang bulungan ng mga kasama nila.
Ang kaninang nakangiting si Sayaka ay nakangisi na ngayon na tila natutuwa.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...