CHAPTER 35

495 17 0
                                    

Salit-salit ang naging pag-atake nina Ayumi. May pagkakataon na nalalaman nila si Raizen at may pagkakataon na sila ang nalalaman.




Nang lumipad siya ay mabilis niyang pinigilan ang paglipad niya gamit ang mga paa niya at isang kamay niya.




Pinahiran niya ang gilid ng labi niya na mayroong dugo dahil sa atake ni Raizen.




"Primus!" sigaw niya sa pangalan nito nang makita itong lumipad rin palayo.




Sumugod siyang muli at ilang beses ang ginawa niyang suntok at pagsipa kay Raizen na agad naman nitong nasasalag.




Nang mahuli nito ang paa niya ay mabilis siya nitong inihagis at naramdaman niya nalang na sinalo siya ni Primus saka sila sabay na bumagsak sa lupa.




"Primus!"




"Lady Celeste!"




Sigaw ng mga kasama nila.




May mga nalagas sa kanilang panig at ganoon din sa kanilang kalaban.




Lumapit sa pwesto nila ang magkakapatid na Carson, maging sina Sayaka at Leraia na mahina pa rin.




Lumapit rin sa kanila sina Athan na kapwa may mga natamong sugat.




"Ayos lang ba kayo?" halos sabay na turan ng mga ito nang makalapit.




Bumangon sila ni Primus at parehas nilang habol ang paghinga.




"Lady Celeste..." may pag-aalalang bigkas ni Sayaka sa pangalan niya.




"Ayos lang ako, Sayaka" sagot niya rito.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon