"That's her."
"Seems like the rumors are true."
"She's just a human, how can she do that?"
Iyon ang mga samu't saring bulungan na naririnig ni Ayumi sa school na pinapasukan niya habang naglalakad.
Nang sandaling maiwan siya ng magkakapatid sa tapat ng school nila ay nakatingin na ang mga ito na hindi naman ginagawa ng mga ito noon.
Mukhang totoo nga ang sinabi ni Primus kahapon. Anang isang bahagi ng isip niya.
Napatigil siya at napatingin sa tatlong babae na tumigil sa harapan niya.
Nakangisi ang nasa gitna at alam niya na bampira ito.
Hindi niya ito pinansin at handa na sanang umalis nang harangin siya nitong muli.
What's her problem?
Napakunot ang noo niya at napatingin rito.
"Do you need something from me?" diretsahang tanong niya rito.
Narinig niya ang pagsinghap ng mga nakakakita sa kanila at pakiramdam niya ay kilala ang babaeng humarang sa kanya.
Nagising siya sa pag-iisip nang marinig ang pagtawa nito.
"Totoo nga ang mga kumakalat na balita" ani nito.
Hindi siya nagsalita at piniling itikom ang bibig niya. Pansin niya ang pag-iba ng ekspresyon nito dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...