CHAPTER 5

1K 26 0
                                    

Mag-isang naglalakad si Ayumi sa pasilyo ng shool na pinapasukan niya.




May mga iilan lang din na estudyante ang naroon ngunit kaunti lang at mabibilang sa daliri.




Malapit na rin namang mag-uwian kaya ayos lang na maglibot siya lalo na at wala silang klase.



"Ayumi..."




Napalingon siya sa likuran niya at nakita niya roon si Vimous na tila kanina pa tumtakbo. Kitang-kita kasi na habol nito ang paghinga nito.




"Bakit?" taking tanong niya rito.




Hindi ito nagsalita pero nagsimula itong hilahin siya patungo sa kung saan.




"Vimous!" may kalakasang pagtawag niya pangalan nito.




Napatili siya nang pumulupot ang braso nito sa baywang niya at tila isang kidlat na napunta sila sa rooftop.




Bahagya siyang nawalan ng balance nang bitawan siya nito.




My head is kinda spinning. Anang isang bahagi ng isip niya.




Sa kabila ng pagkahilo ay nagawa niya pa ring tignan ito nang walang pakundangan siya nitong isinandal sa likod ng nakasaradong pinto ng rooftop.




"Anong problema, Vimous?" pagtatanong niya rito.




Napakunot siya nang makita ang galit sa mga mata nito.




Kakambal ito ni Primus, hindi ba? Anong dahilan at parang galit siya sa 'kin? May nagawa ba 'ko na kinagalit niya? Mga tanong na nabuo sa isipan niya.




Napasinghap siya nang tanggalin nito ang bond-aid na idinikit niya sa leeg niyang kinagatan ni Primus.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon