"Handa na ba ang lahat?"
Napatingin ang lahat kay Ayumi na siyang nasa stage.
Sinigurado niya na walang taksil sa kanilang grupo dahil mahirap na na malaman ng kalaban ang magiging atake nila.
"Handang-handa na!" sigaw ng lahat.
"Lilisan tayo mamayang pagpatak ng alas sais kaya maghanda na kayong lahat!" malakas na turan niya.
"Masusunod, Lady Celeste!" sigaw ng mga ito.
Kasalukuyan silang nasa auditorium ng Vamp Academy.
Ang ilang estudyante na hindi sumama ay minabuti nilang umuwi muna sa kani-kanilang tahanan.
Sinigurado niya rin na maayos ang magiging lagay ng mga ito at walang maikakalat na balitang lulusob sila kaya umuwi ang mga ito.
"Lady Celeste..."
Napatingin siya sa gilid niya at nakita roon si Sayaka.
"I told you to call me Ayumi from now on" ani niya.
"Sorry" tanging nasabi nito.
"Bakit nga pala? May problema ba?" tanong niya rito.
"Primus suddenly left" ani nito.
Napatingin siya sa grupo ng magkakapatid at wala roon si Primus.
Napadako din ang tingin niya kita Vieran at kapwa handa na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampirosIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...