Hila-hila pa rin ni Ayumi si Primus matapos nilang umalis sa bahay nina Athan.
Maganda pa rin ang pakikitungo sa kanya ng apat kaya nagpaalam siya ng maayos sa mga ito.
Nanlaki ang mga mata niya nang hilahin siya nito at bigla niya nalang naramdaman ang mga bisig nitong yumakap sa kanya.
"Primus?" marahang bigkas niya sa pangalan nito.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
"Akala ko talagang pipiliin mong manatili sa kanila. I was scared. This is the first time I feel this" ani nito.
Unti-unti siyang napangiti at hinaplos ang buhok nito.
"You've been clingy to me, Primus" turan niya.
Naramdaman niya ang pagkatulos nito at humiwalay ng yakap sa kanya ngunit nanatili ang mga kamay nito sa balikat niya.
"Let's go to the mansion now" tanging sinabi nito.
Napangiti nalang siya at tumango rito.
Hindi siya umangal nang hilahin siya nito palabas ng hardin nina Athan.
Napatingin din siya sa kamay nilang magkasaklop na kasalukuyang hawak nito.
His hand is warm. Anang isang bahagi ng isip niya.
Nakita niya ang isang sasakyan na nasa harapan ng gate at pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon.
"This is..." hindi na niya matapos ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...