IRIS AMPHITRITE'S (isabella)
9 years old...
“Tangina na bata to! Dito ka na nga sa ama mo!” Sabi ni mama pero kumapit pa din ako sakanya.
“Mama ayaw ko dito lang ako sayo ayaw ko kay papa. Please mama magpapakabait na ako mama please. Mama love kita wag mo ko iwan” umiiyak na sabi ko.
“Amphitrite bumitaw ka na hayaan mo yang nanay mo na walang kwenta” sabi ni papa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napatingin ulit ako kay mama na umalis walang lingon lingon akong iniwan.
“Bad ka nilalayo mo ko kay mama!” Inis na sabi ko kay papa at pinalo siya.
“Mas masama nanay mo iiwan ka dahil lang gusto niya gumawa ng bagong pamilya at hindi ka kasama dun. Tidnan mo sarili mong nanay ayaw sayo” sabi ni papa
“bat mo naman dinala yang anak mo na bastarda dito? Nakakahiya yang bata na yan magiging kahihiyan sayo ang bata na yan” rinig ko na usapan nila sa dining area.
“eh wala eh dinala dito nung walangya na babae na yun. Saka hayaan niyo na baka may pakinabang yan balang araw” rinig ko na sabi ni papa.
“Wag ka makinig sa kanila Amphitrite” napatingin ako sa likod ko. Si Maam Hillary. Asawa ni papa.
“Maam Hillary bat pakiramdam ko po ayaw sakin ng magulang ko? Bad po ba ako?” inosente na tanong ko.
“Hindi ka masamang bata Amphitrite makinig ka kay mama Hillary okay? Kahit hindi kita tunay na anak mahal ka ni mama Hillary kung ayaw nila sayo pwes si mama Hillary gusto ka. Pati ni aphrodite gustong gusto ka niya” sabi ni maam Hillary kaya Napatingin ako kay aphrodite na may hawak na manika at nakangiti sakin.
“Siya yung big sister ko diba mama?” tanong niya kay maam Hillary kaya tumango ito.
Sakanilang dalawa nakaramdam ako ng tunay na pamilya.
Habang natutulog ako may narinig ako na putok ng baril kaya nagulat ako at napatayo.
Hindi sana ako lalabas pero narinig ko si mama Hillary na mula sa labas.
“Hindi pwede maiiwan si Amphitrite kukunin ko siya!” rinig ko na sabi niya. Dali dali ako lumabas. Nasa hagdan ako ng malaking mansion pero yung sigaw ni mama Hillary ang nagpagulat sakin.
“PLEASE MAAWA KAYO KUNIN NIYO SI APHRODITE ILIGTAS NIYO SIYA!” rinig ko. Hindi ako makababa natatakot ako.
“MISS SUMAMA KA NA BABALIKAN NA LANG NATIN YUNG ISA MONG ANAK—”
“TREVINO HINDI KA MAKAKAALIS NG BUHAY” boses ni papa Yun ano nangyayari?!
Dahan dahan ako bumaba nakita ko sila sa labas tumakbo ako palabas at nagtago sa isang malaking puno. Kita ko kung pano ibigay ni mama Hillary si aphrodite sa isang babae.
Nagulat ako ng binaril ni papa si mama Hillary.
“Mama Hillary” umiiyak na tawag ko. Nagulat ulit ako ng binaril naman niya ang may hawak kay aphrodite.
“HAYOP KA TALAGA MAKRIS!” sigaw ng isang lalake at binaril si papa. Nakita ko kung pano bumulagta si mama hillary at yung babae sa damo. Tumakbo si papa paalis. Tatakbo sana ako palapit kay mama hillary ng may humablot sakin.
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."