IRIS AMPHITRITE’S
“Ha? Ulitin mo nga sinabi mo?” Napairap ako habang nakatingin sa mukha ni jovanni na nasa cellphone. Naka video call kasi kami wala kasi siya dito.
“May nangyari samin ni dash! Ulitin ko pa?! O antok ka pa?!” Inis na sabi ko. Tulog kasi siya nung tinawagan ko siya.
“Anong kagagahan yan Amphitrite? Nawala lang ako may nangyari sainyo” sabi niya. Nakita ko tumayo siya at nag suot ng damit. Natutulog kasi siya walang damit yuck.
“Ano magagawa ko! Parehas kami lasing nun!” Sigaw ko sakanya.
“ewan sayo! San niya pinutok?” tanong niya napakunot noo ko.
“May baril ba si dash para may iputok?” tanong ko. Huminga ng malalim si Jovanni na parang nauubusan siya ng pasensya sakin.
“san pinutok ni dash yung sperm cell tangina kasi kung sa loob asahan mo may anak ka na after nine months ha!” sabi pa niya kaya natulala ako.
“hindi ko alam kung san pinutok eh” pabulong na sabi ko.
“IRIS AMPHITRITE!!” nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ni papa.
“papa mo yung sumigaw? Ano nangyari?” tanong ni jovanni.
“ahm jovanni tawagan na lang kita mamaya sige bye!” sabi ko at pinatayan siya ng call at dali dali lumabas ng kwarto at bumaba.
Nakita ko si papa malapit sa hagdan at base sa mukha niya mukhang galit na galit siya. Ihahanda ko nanaman sarili ko paglapit sakansakany
“bakit po papa—"
Nakatanggap ako ng sampal.
“Ano ginawa mo kay mico?! Ang sabi ng ama niya may kasama ka daw na lalake at sinapak si mico at ikaw wala ka daw ginawa para ipagtanggol si mico?! Nag iisip ka ba?! Pera na yun eh! Pera!! Ang bobo mo!” Sigaw ni papa at dinuro duro ako sa noo. Hindi pa siya nakuntento pinalo pa niya ako ng tungkod na hawak niya.
“a-aray papa tama na po” umiiyak na sabi ko at hinaharang ang braso ko para yun ang matamaan.
“Napaka tigas ng ulo mo! Buti nga nagustuhan ka pa ni mico!” sigaw ni papa.
“P-Papa pinagtanggol lang ako ng kaibigan ko binabastos ako ni mico! Papa may balak siya gawin na masama sakin! Maawa ka naman papa takot na takot ako nun—” nasampal nanaman ako.
“Dami mong kaartehan! Pag nagkita kayo ni mico mag sorry ka! Nakakahiya ka! Pasalamat ka sinama siya ng ama niya sa ibang bansa pag balik niya kailangan mag sorry ka oh sasaktan kita tangina kang bata ka hala umakyat ka sa kwarto! Hindi ka kakain hanggang mamayang gabi!” sabi ni papa at umalis.
Napatingin ako sa mga kasambahay na parang naawa sakin kaya napayuko na lang ako bago umakyat sa kwarto.
Bakit mas kinakampihan ni papa si mico ako anak niya sana naman makinig siya sakin. Napatingin ako sa braso ko na namumula dahil dun ako pinalo ni papa magpapasa nanaman to mamaya.
Umiyak ako ng umiyak pero napatigil ang pag iyak ko ng mag text si dash.
DASH:
Oy ganda yung alaga mo gusto lumabas ilalabas ko sama ka bilis antayin ka namin.
Napangiti ako sa text ni dash.
ME:
Sige wait magbibihis lang ako.
HUMINGA ako ng malalim bago pinindot ang doorbell ng condo ni dash.
“oh init init naka jacket ka?” bungad sakin ni dash kaya napangiti ako.
“Pake mo gusto ko ganto eh” sabi ko at pumasok sa loob ng condo niya sinalubong agad ako ni cookie.
“sungit”
“cookie!” tawag ko sa aso ko tumahol siya at tumakbo palapit sakin.
“Wow miss mo si mommy? Ang bango mo ah! Pinaliguan ka ata” sabi ko at inamoy si cookie
“syempre pinaliguan siya ng daddy dash niya diba cookie! Come to daddy bilis! Come here baby” napataas kilay ko ng iwan ako ni cookie. Tinidnan ko ng masama si dash.
“Mas close na kayo ganon?” inis na sabi ko. Natawa naman si dash.
“Sus selos ka halika ikaw naman lalambingin ko” sabi niya at hinila ako sa braso.
“aray!” gago kasi hinawakan yung braso ko na pinalo ni papa. Bigla nawala ang ngiti ni dash.
“ano nangyari sayo?” sabi niya at hinubad sakin ang jacket. Kaya kita yung mga palo ni papa sa braso ko.
“isabella sino gumawa sayo nito?” tanong niya habang sinusuri ang nagpasa na hinampas ni papa.
“a-ah n-nadulas ako sa cr kanina” napa iwas ako ng tingin dahil seryoso ang mukha ni dash.
“hindi basta basta magiging ganto ang braso mo kung nadulas ka! Kita mo ba yan?! Hindi siya mukhang nadulas ka! Hinampas ka isabella sino gumawa niyan?!” sigaw niya sakin kaya nagulat ako.
“w-wala nga! Akala ko ba igagala natin si cookie bat nandito pa tayo?! Tara na” sabi ko at tinalian si cookie para makalabas na kami. Nakatingin pa rin sakin si dash.
“Okay fine kung ayaw mo sabihin tsk. Dalhin mo yang alaga mo dalhin na natin sa labas” sabi ni dash at nauna lumabas. Napahinga ako ng malalim.
Buti na lang hindi mapilit yun.
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."