IRIS AMPHITRITE’S
Kinakabahan ako.
“Kinakabahan ka ano?” Pang aasar sakin ni dash kaya sinamaan ko siya ng tingin
“Lagot ka ganda itatali na kita sakin. Pag nakita mo sila pustahan tatanungin nila kung kailan ang kasal natin” natatawa na sabi ni dash.
Hinampas ko siya.
“joke lang naman ganda ang init ng ulo mo. Buntis ka ba?” Sabi pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya nanahimik siya.
PAGDATING sa kanila mapapanganga ka sa ganda ng mansion nila!
Paglabas namin may nakaabang na maid.
“Nasan sila?” Tanong ni dash sa maid.
“sina sir gabriel po ay nasa dining area kasama ang mga tito at tita niyo. Ang mga pinsan niyo po ay nasa salas nanonood” sabi nung maid at umalis na.
“tara na puntahan na natin sina daddy” sabi niya lalo ako kinakabahan para akong mahihimatay sa kaba.
Pagpasok namin salas agad nakita ko nandun ata ang mga pinsan ni dash lahat. Ang anak ko naman busy sa pinapanood na Rapunzel.
“uy ate! Nandito na pala kayo inaantay kayo ni papa dun” sabi ni Aphrodite.
Napatingin ako kay Jovanni na tahimik sa tabi ni salacia. Tumango sakin si Jovanni bago bumalik ang tingin niya sa pinapanood.
“Omygosh! Is this her?!” nagulat ako na may sumigaw mula may hagdan.
Maganda siya para siyang model! Jusko ang ganda ng lahi nina dash.
“Venus this is my girlfriend, Amphitrite. Amphitrite, Pinsan ko si Venus” sabi ni dash at hinila ako palapit dun sa Venus.
Girlfriend?! Sinagot ko ba to?!
“nice to meet you girl!” sabi nung venus at nagbeso sakin.
“nice to meet you din” sabi ko.
“Mommy! Nibigyan nila ako ng madaming gifts!” napatingin ako kay salacia na tumakbo samin palapit.
“Talaga? Nag thank you ka ba?” tanong ko sakanya at binuhat siya ni dash.
“yes po! Nagpakilala sila sakin lahat! Pero nalimutan ko mga names nila kasi ang dami nila” sabi niya kaya natawa ako.
“Akala ko pa naman si dale ang unang magkakaanak grabe mas mabilis ka pa sa kapatid mo!”
“Fuck you Jaxson!” sigaw ni dale.
“Pumunta na kayo sa dining area inaantay kayo ni tito Gabriel” napatingin ako dun sa pinaka tahimik sakanila. Bukod kay Jovanni may isa pang tahimik.
“ay oo nga nalimutan ko. Dito ka muna baby salacia ha makipag play ka sakanila pag inaway ka magsumbong ka kay tito jupi okay” sabi ni dash. Nag okay sign si salacia at tumakbo pabalik sa inuupuan niya kanina.
“Tara na Inaantay nila tayo” sabi ni dash at hinawakan ako sa bewang.
Habang papalapit kami sa dining area nila lalo akong kinakabahan. Nakakadagdag sa kaba ko ay yung mga boses mula sa dining area!
“ganda, wag ka kabahan ako bahala sayo” sabi ni dash at hinila na ako papasok sa loob ng dining area nila. Tumigil ang usapan dahil pumasok kami.
Para akong mahihimatay talaga lahat sila nakatingin samin!
“oh dash nandito ka na! Ito ba ang Girlfriend mo?” tanong ng isa sakanila.
“yes po tita Victoria. Siya po si Amphitrite” sabi ni dash.
“Ay! Ang ganda niya Dash! Bagay na bagay kayo!” sabi naman nung isa ding babae.
Para silang hindi matatanda ang babata ng mukha! Ang gaganda at ang gagwapo!
“Syempre naman tita Grace!” Natatawa na sabi ni dash.
Bigla kumunot ang noo nung Tita Grace.
“wait parang nakita na kita? May picture kayo ni Jovanni sa kwarto niya! Your Jovanni’s friend right?” sabi niya kaya nagulat ako.
May isa kasi kaming picture ni Jovanni binigay ko sakanya yun kasi wala siya picture namin remembrance ganern.
“Ah hehe o-opo Maam” nahihiya na sabi ko.
Hinampas niya ako na pabiro sa braso.
“Ikaw naman maka maam ka naman ano ako teacher? Call me tita Grace na lang!” sabi ni tita Grace at humagikhik pa.
“talaga lang huh. May picture sila sa kwarto ni Jovanni” biglang sabi ni dash kaya Napatingin kami sakanya. Nakasimangot siya ngayon.
“Naku Dash masyado kang seloso! Friends lang sila don’t worry” sabi ni tita grace at tumawa pa.
“Kilala kita Hija. Anak ka ni Alejandro Makris diba?” napatingin ako dun sa nagsalita. Siya ata ang may pinaka seryosong mukha dito. Feeling ko ito yung panganay eh.
“Kuya George wag mo naman takutin ang bata! Ngumiti ka naman!”
“Tito George hindi po siya anak nung Alejandro na yun” sabi ni dash.
“Pero dun pa din siya lumaki dash hindi mo sure baka patayin ka niyan para maghiganti dahil kaaway ng makris ang Trevino at mananatiling ganon iyon” sabi nung Tito George niya.
“Kuya George hindi kasalanan ng anak ang ginawa ng ama niya. Wag mo basta husgahan ang bata” napatingin ako dun sa nagsalita. Kilala ko siya. Siya yung papa nina dash.
“Pagpasensyahan mo na si Kuya George namin ha lumaki kasi siyang judgemental ewan ko nga kay Helen bat naging asawa niya yan” pagbibiro ni Tita grace. Nakita ko na umirap si Tito George.
“Wait ipapakilala ko sayo ang mga kapatid ko at mga asawa nila!” excited na sabi ni Tita Grace at inupo ako sa tabi niya sumunod naman si Dash umupo sa kabilang tabi ko.
“ito ang asawa ko Si Jaren ang ama ni Jovanni. Yung masungit na yun ang Panganay samin magkakapatid lumaking judgemental Si kuya George at ang asawa niya na si Helen! Ayun naman si Gabby at ang asawa niya si Danica. At last ang Papa ni Dash at dale. Ito naman ang asawa niya si Victoria” pakilala ni tita Grace sakanila.
“tawagin mo na lang kaming Tita at tito okay? Pati si Kuya George” sabi Ni Tito Gabby. Kaya nahihiya na tumango ako.
“Tawagin mo na ang magpipinsan sa salas kakain na kamo” sabi ni Tito George sa kasambahay na katabi niya.
“Mommy! Daddy! Sabi ni tita venus gagawin niya akong model pag big na po ako” masaya na kwento ni salacia habang natakbo palapit samin.
“Gusto mo ba yun baby?” tanong ni Dash at kinalong si salacia.
“opo!”
“Nagbless ka na ba sa mga lolo at lola mo?” tanong ko kay salacia.
“Opo mommy”
“Magpray muna tayo bago kumain” sabi ni tito Gabriel.
“Jaxson Lead the prayer” sabi ni Venus.
“amp— ako nanaman?!” reklamo nung Jaxson.
“bilis na dami pang reklamo eh” sabi ni Venus. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jaxson bago nag umpisa magdasal.
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."