LAST CHAPTER

474 9 0
                                    

DASH

Pag uwi namin galing basketball pumunta agad ako kay dad para isumbong yung nangyari sa batang babae na nakita ko kanina.

“Dad! Dad!” Sigaw ko at pumasok sa kwarto niya. Nakita ko siya na busy sa laptop niya. Binaba niya lang yung laptop nung nakita niya na pumasok ako.

“Ano yun dash?” Tanong niya at umayos ng upo sa kama niya. Lumapit ako sa kama niya at umupo din.

“Dad iligtas natin yung girl na nakita ko sa playground sinasaktan siya ng daddy niya kawawa naman siya may pasa siya dad” sumbong ko.

“nalaman mo ba ang pangalan nung bata?” tanong niya.

Napanguso ako.

“Hindi dad eh”

“pano natin mahahanap kung hindi mo alam ang pangalan niya” sabi ni daddy kaya napanguso ako.

Halos araw arawin ko ang tambay sa playground pero mukhang di talaga kami pinagkikita ni destiny.

“dash mukhang di na magpapakita yun” sabi ni Hypnos na nasa tabi ko.

nangako ako ilalayo ko siya sa papa niya” sabi ko.

“Malay mo magkita pa kayo sa future diba” sabi pa ni hypnos.

Simula nun hindi na ako gaano pumupunta sa playground.

“Party nanaman?” inis na sabi ko.

“Kailangan niyo pumunta” sabi ni dad.

“Dad naman hindi ba pwede si dale na lang isama mo?” Sabi ko pa. Nakita ko umirap ang kambal ko.

“Dash wag matigas ang ulo” banta ni dad kaya natahimik ako.

“Tangina dale ang boring talaga ng mga party na ganto” inis na sabi ko kay dale.

Manahimik ka nga dyan” sabi ni dale.

Nililibot ko ang mata ko napatigil yun sa isang magandang babae na nag iisa sa table. Ang ganda niya para siyang manika

She looks so familiar. Nakita ko na ata siya dati pero hindi ko alam.

“dale. Pre dale” tawag ko sa kambal ko habang kinakalabit to.

“tangina ano?!” inis na bulong niya sakin. Tinuro ko yung babae na tinitidnan ko.

“Ang ganda niya dale!” sabi ko

“type mo?”

Hindi ako sumagot.

Ang ganda niya. Pero si aphrodite gusto ko nagandahan lang siguro ako sakanya.

Nung nalaman ko na girlfriend ni dale si isabella. Yun ang pangalan nung babae na maganda nainis talaga ako isang linggo ko nga di kinausap si dale eh. Sinasaktan niya si aphrodite dahil sa ginagawa niya na yan eh

“Ano ba problema mo? Isang linggo ka na ganyan?” inis na sabi ni dale sakin.

“akala ko ba si aphrodite ang gusto mo?! Bat iba ang girlfriend mo ngayon?!” sigaw ko sakanya.

pinagbabantaan ako ni isabella. Sasaktan niya si aphrodite pag lumapit ako kay aphro” sabi ni dale.

Dun nag umpisa ang galit ko kay isabella. Sino ba siya?! Bat ganon siya kay Aphrodite?!

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon